gabbi

Gabbi, nag-fan girl kay Lloydie

June 7, 2021 People's Tonight 224 views

SINAMANTALA ng Kapuso artist na si Gabbi Garcia na magpaka-fan girl at magpakuha kay John Lloyd Cruz sa TV special ng isang shopping app na ginawa sa Araneta Coliseum last June 6.

Unang TV appearance ito ni John Lloyd habang isa naman si Gabbi sa hosts sa special.

Naging emosyonal si Lloydie nang kausapin ng main host na si Willlie Revillame.

Nang tanungin kung handa na ba siyang umibig muli, sagot ng aktor, “Handa na!” na may halong ngiti.

Matapos namang pasalamatan ni JLC si Willie, hinanap niya ang GMA Pictures president na si Atty. Annette Gozon-Valdez.

Eh, base sa Facebook post ni Annette, na-mild stroke pala siya kaya sabi ni John Lloyd, siya ang papasyal sa kanya.

As of this writing, ayon kay Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account, nagkabutas pala sa puso ang GMA Pictures top boss pero naoperahan at nagpapagaling na.

DUQUE, BINAKUNAHAN SINA DREW AT IYA

NANGUNA ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania na magpabakuna kahapon para sa bagong kategorya ng priority list kung saan kasama na ang media frontliners.

May tatlong batang anak sina Iya at Andrew at sige ang trabaho sa GMA Network.

Ayon sa report, mismong si Department of Health Secretary Duque ang nagbakuna kina Drew at Iya. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE