Frasco DOT Secretary Christina Garcia Frasco: Bukod sa pagpapaganda ng NAIA, sinisiguro ng DOT at DOTr na mabigyan ng kaginhawahan ang mga pasahero, lalo na sa panahon ng paglalakbay at mahabang bakasyon.

Frasco siniguro pagpapaganda ng NAIA, kaginhawaan ng mga pasahero

April 19, 2023 People's Tonight 294 views

Sa pinagsamang inisyatiba ng DOT, DOTr

MGA solihiya panels, wooden couches at decorations na gawa ng mga local Filipino artisans ang sasalubong sa mga mananakay ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 (NAIA T2).

Layunin ng pinagsamang inisyatiba ng Department of Tourism – Philippines (DOT) at ng Department of Transportation – Philippines (DOTR) na pagandahin ang pangkalahatang karanasan ng mga manlalakbay sa bansa at patuloy mapabuti ang serbisyo ng mga paliparan — mula sa pagsasaayos ng sistema hanggang sa estitikong pagpapakilala ng Filipino brand sa mundo.

“The effort is to give tourists and travelers alike a reminder of how beautiful our country is and how talented our Filipino workers are, as can clearly be seen in all the furniture that have been installed in this terminal,” ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco.

Dagdag pa ni Secretary Frasco, bukod sa pagpapaganda ng NAIA, sinisiguro ng DOT at DOTr na mabigyan ng kaginhawahan ang mga pasahero, lalo na sa panahon ng paglalakbay at mahabang bakasyon.

AUTHOR PROFILE