Francisco Pinagsasabihan ni MPD Director Police Brig. General Leo M. Francisco ang isang crime suspek na walang lugar ang mga masasamang loob sa Maynila. Kuha ni JON-JON REYES

Francisco: Walang lugar mga kriminal sa Maynila

October 17, 2021 Francis Naguit 423 views

MWP ng Malabon police timbog ng Pulis Maynila

WALA kayong lugar dito sa lungsod ng Maynila kapag kayo ay gumawa ng krimen. Sinisiguro namin pasok kayo sa kulungan. Kahit puno na ito, handa naming pagbuksan ito para sa inyong mga kriminal.”

Ito ang naging babala ni Manila Police District (MPD) Director, Police Brigadier General Leo “Paco” Francisco matapos maaresto ang isang most wanted person ng Malabon City Police dahil sa kasong murder ng mga kapulisan ng Manila Police District Sabado ng hapon sa Quirino.

Kinilala ni Francisco ang naarestong suspek na si Christian Andres, 31, magsasaka, binata, at residente ng 4533 V. Francisco St., Brgy. 590, Sta Mesa, Manila.

Ayon sa ulat ni P/Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit ng MPD, humingi ng tulong ang mga tauhan ng Malabon Police ng NPD sa pangunguna ni P/ Cpt. Emmark Dave Apostol ng MDIT-RIU NCR, matapos malaman ang pinagtataguan ng akusado na si Andres sa nasabing lalawigan.

Agad na nakipag-koordinasyon ang MPD sa Madella PNP sa pamumuno ni P/Lt. Col. Walter Pasicolanat pinuntahan ang lugar ni Andres.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Zaldy Balagat Docena ng Regional Trial Court Branch 179 ng Malabon dahil sa kasong murder, naaresto ang suspek at walang inilaang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE