Default Thumbnail

Foreign investor na ‘balasubas’

February 23, 2022 People's Tonight 459 views

TulfoNOBYEMBRE 2021 lumapit sa Erwin Tulfo Action Center 21 mananahi ng Laguna para ireklamo ang kanilang among Chinese national.

Ayon sa mga complainant, sinibak sila bilang mga mananahi ng I Fashion Industrial Inc. sa Victoria, Laguna.

Ilang taon na silang mananahi daw ng kumpanya pero laking gulat daw nila ng sabihan sila ng may-ari na si Hualian Lui na inaalis na sila kumpanya dahil nalulugi na raw ito at magsasara na.

Ngunit makalipas ang ilang linggo, napag-alaman nila na nag-hire naman pala ng mga bagong mananahi ang kumpanya kapalit nila.

Dagdag pa ng mga complainant, napag-alaman nila na kaya sila tinanggal sa trabaho ay para palitan sila ng mga bagong hire na mas mababa ang sahod.

Kaagad naming inilapit sa Department of Labor Region4A office ang kaso.

At nitong unang Linggo ng Pebrero ay pinagharap ang dalawang grupo.

Hindi sumipot sa mga paghaharap ang may-ari na si Ginoong Hualian at tanging mga staff nya lang ang dumadalo sa pagdinig.

Ang gusto ng Chinese investor bayaran lang mg tig-apat na libo at limang daang piso ang mga manggagawa bilang separation pay.

Sinabihan namin ang mga manggagawa na huwag pumayag bagkus ay ipapa-deport na lang namin ang negosyante kasabay ng pagsampa ng kasong sibil laban sa kanyang kumpanya para habol sila sa ilang asset nito kapag isinara at ibinenta na ito.

Mga balasubas ng mga foreign investor tulad ni Hualian Lui ay dapat sipain palabas ng bansa.

Aanhin ang kanilang imvestment kung inaagrabyado naman ang mga kababayan natin na manggagawa nila?

*****

Pinag-iingat ng pamunuan ng People’s Journal Tonight ang madla na suriing mabuti ang binabasa na dyaryo ng People’s Tonight dahil may kumakalat na pekeng diyaro para ilinlang ang mga mambabasa.

Bagamat kinopya daw ang logo at hitsura ng dyaryo peke ang mga balita na lumalabas dito.

Dagdag pa ng management ng naturang tabloid, kapansin-pansin na laging si Isko Moreno ang headline nito na lamang sa mga survey ang naturang kandidato.

Payo ng People’s Tonight, bumili lang sa mga authorized newspaper dealer o stand at magtungo sa lehitimo nilang website nila na journalnews.com.ph para matiyak na totoo ang mga balitang nababasa ninyo. Ni Erwin Tulfo

AUTHOR PROFILE