Liza TOAST TO PH, THAILAND – Nagbigay ng mensahe si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa 75th anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas at Thailand. Dumalo rin sa okasyon si First Lady Louise “Liza” Araneta Marcos kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno.

FL Liza Marcos bumisita sa PH-Thailand 75th yr diplomatic ties

June 16, 2024 Jonjon Reyes 96 views

DUMALO si First Lady Louise “Liza” Araneta Marcos sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Thailand, kasama si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco at iba pang opisyal ng gabinete sa Dusit Thani hotel sa Makati City noong Biyernes.

“We stand at a remarkable juncture in history to celebrate the 75th anniversary of diplomatic relations between the Philippines and Thailand. This extraordinary journey of friendship and cooperation has not only withstood the test of time but has flourished into a profound and enduring partnership, enriching both our nations in countless ways,” sabi ni Frasco.

Binigyang-diin din ni Frasco ang maraming proyekto na nagpapatibay sa mga ugnayang ito, kabilang ang air connectivity, trade at media familiarization trip, matagumpay na mga sales mission at aktibong pakikilahok sa mga pangunahing travel fair.

Kinilala rin ng kalihim ng DOT si Thai Ambassador to the Philippines Tull Traisorat sa mga inisyatiba ng departamento sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Amazing Thailand and Love The Philippines turn into an ‘Amazing Love’ that reinforces the love that reinforces the foundation for even closer cooperation in all dimensions,” sinabi ni Traisorat.

Dumalo rin sa okasyon sina Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Executive Secretary Lucas Bersamin, Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, House Deputy Speaker Duke Frasco, mga miyembro ng diplomatic at consular corps, miyembro ng House of Representatives, national tourism association heads at mga kilalang bisita.

AUTHOR PROFILE