Fuel

Presyo ng gas tataas ng P1.40/liter, diesel P1.75, gaas P1.05

June 24, 2024 Edd Reyes 122 views

SIRA ang araw ng mga motorista ngayong Martes dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina, krudo at gaas.

Sa anunsiyo ng Petron Corporation, Pilipiinas Shell, Chevron Philippines, Seaoil Philippines at Flying V, itataas nila simula alas-6:00 ng umaga ng Martes ang halaga ng diesel sa P1.75 kada litro, gasolina ng P1.40 kada litro at kerosene ng P1.05/litro.

Alas-6:00 din ng umaga magsisimulang itaas ng PTT Philippines at Total Philippines ng kapareho ring halaga ang kanilang produktong diesel at gasolina.

Magtataas din ng magkakaparehong halaga ng kanilang mga produkto ang Petro Gazz, Unioil Philippines, Phoenix Petroleum, Jetti Petroleum Philippines at Eastern Petroleum.

Sisimulan ng Clean Fuel ang taas presyo ng alas-4:01 ng hapon ng Martes.

Noon nakaraang linggo nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng malakihang taas presyo.

AUTHOR PROFILE