Sunshine

Sunshine nag-birthday sa libing ng asawa

June 25, 2024 Aster Amoyo 218 views

Sunshine1Sunshine2Sunshine3Sunshine4VIVA’S sexy star and YouTuber Sunshine Guimary celebrated her 30th birthday last Saturday, June 22 at the interment of her husband (of two years) who died a couple of days ago due to enlargement of the heart.

About this time last year ay sumakabilang-buhay naman ang kanyang ama kaya sobrang lungkot ang kanyang nararamdaman ngayon.

“12 months ago c papa nilibing ko. Ngayon ikaw asawa ko at tinatan(tinapat) nyo pa sa birthday ko. Bakit? Durog n durog na pati kaluluwa ko. Ang sakit sakit na. Sa susunod kong birthday antayin nyo ko,” post ni Sunshine sa kanyang IG account.

“Inaantay ka ni papa baby ko. Maglakbay muna kayo sa walang hanggan, antayin nyo ko, kayo buhay ko mami-miss ko kayo sa araw-araw, paggising ko mami-miss ko luto mo babe, halakhak mo, mga kwela mong jokes, boses at pag-aalaga sa akin. Salamat sa pagmamahal mo sa amin. Mahal na mahal kita. I-hug mo `ko kay papa. Mahal n mahal ko kayo, kayo buhay ko,” dugtong pa niya.

Ilan sa mga kasamahan niya sa Viva ang nagparating na pakikiramay kay Sunshine including Janno Gibbs at Giselle Sanchez maging ang TV5 personality na si MJ Marfori.

Dalawang magkasunod na taon na malungkot na ipinagdiwang ni Sunshine ang kanyang kaarawan. Una sa pagkamatay ng kanyang ama nung isang taon na sinundan ng kanyang husband last week.

Bago nag-showbiz ay isa nang successful sexy vlogger si Sunshine with more than 800,000 subscribers with only 12 videos uploaded. Nag-cross over din siya sa iba pang social media platforms including Instagram kung saan ay meron siyang 1.6M followers.

Mahilig si Sunshine sa mga sexy lingerie and swim wear na madalas niyang mimo-model sa kanyang IG account at sa kanyang vlogs. Majority of her followers are men.

Hindi ikinakaila ng sexy star na big crush umano niya sina Derek Ramsay at Tony Labrusca habang gusto naman niyang makatrabaho sina Coco Martin at Jericho Rosales. Hinahangaan naman niya ang kasamahan niya sa Viva na si Cristine Reyes.

It was in 2021 when she signed a ten-picture contract with Viva which launched her as a sexy star sa erotic-comedy movie na “Kaka” na pinagtambalan nila nina Jerald Napoles at Ion Perez at pinamahalaan ni GB Sampedro and was streamed on Vivamax streaming platform. Ito’y sinundan ng “House Tour,” isang suspense-thriller movie na pinamahalaan ni Roman Perez, Jr. kasama sina Cindy Miranda, Diego Loyzaga at Mark Anthony Fernandez. Nakasama rin siya sa isang comedy movie na “Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan!” na pinagsamahan nila ni Andrew E. at dinirek ni Al Tantay.

Magmula nang mag-asawa (about two years ago) si Sunshine ay huminto ito sa paggawa ng pelikula for Vivamax.

Short film ni Epy mahigit 100 na ang awards

EpiRobinRobin1Robin2SEN. Robin Padilla invited the officials of the Armed Forces of the Philippines na pinangunahan ng AFP Chief of Staff na si Gen. Romeo Brawner sa block screening ng 2021 multi-awarded movie na pinamagatang “Bukal” (Wellspring) nung nakaraang Lunes ng gabi, June 24 sa Cinema 8 ng Ayala Mall Manila Bay (Paranaque). Ang nasabing pelikula was co-written, directed and produced by Jeffrey `Epy’ Smith Quizon. Ito’y nakapaglibot na sa iba’t ibang international film festivals and screenings abroad at nakakuha ng mahigit isang daang awards and nominations at kasama na rito ang Best Director (for Short Film), Best Foreign Film at Best Ensemble Cast sa Cannes World Film Festival at pagkakapanalo ng actor-director-writer-producer ng Best Producer at Outstanding Achievement Award for a First-timer Director for Epy sa Indie Film Short Fest in Los Angeles, California.

Ang “Bukal” short film ay tinampukan nina Archie Alemania, Alvin Anson, Ronnie Quizon, Christian Vasquez, Rez Cortez, Vance Larena, Leon Miguel at Bombi Plata na nagpakita ng kakaibang husay sa nasabing pelikula. Napakaklaro rin ng mensahe ng pelikula, kapayapaan. Gandang-ganda rin kami sa cinematography, production design, sound and music at pagkakalatag ng kuwento.

Siguro, kung mabibigyan lamang ng chance ng mga film producer si Epy, hindi kami magtataka kung makilala itong isa sa mahuhusay na director. Epy co-stars and co-directs with elder brother na si Eric ang kanilang weekly sitcom on Net-25, ang “3-In-1” na tinatampukan din ng Diamond Star na si Maricel Soriano, Vandolf Quizon, Boy2 Quizon, Vito Quizon, Bearwin Meily at iba pa.

Maganda siguro kung ang”Bukal” ay ii-endorse ng Department of Education para ito’y mapanood ng mga estudyante sa mga paaralan nationwide.

Ronnie hindi itinatago ang sakit

SPEAKING of Ronnie Quizon, hindi namin ito agad nakilala during the special screening of the movie, ‘Bukal.’ Ang US-based mother ng magkakapatid na Eric, Madonna, Ronnie at Epy Quizon, ang dating aktres na si Pamela Ponti (Alice `Baby’ Baby Smith in real life) na kasalukuyang in town ay siya mismo ang nagsabi sa amin na may chronic lymphocytic leukemia si Ronnie at tuluy-tuloy umano ito sa gamutan. Ang kaisa-isa nitong anak sa aktres na si Eula Valdez na si Miguel Quizon ang siyang nag-aalaga sa kanya.

Pamela binilhan ni Eric ng condo

SAMANTALA, mahigit sampung taon nang naka-base sa San Francisco, California, USA ang ina ng magkakapatid na Eric, Ronnie, Madonna at Epy. Her only daughter (sa yumaong comedy king na si Dolphy) na si Madonna joined her in the US nung year 2000 and currently works as assistant manager sa isang branch ng Old Navy in San Francisco. Si Baby naman na isang US citizen (with an American father) ay matagal nang retired kaya puwede nang magpabalik-balik ng America at Pilipinas.

“Binilhan ako ni Eric ng condo na malapit lang sa kanya pero hindi pa ako decided na mag-stay in the Philippines for good dahil walang kasama sa U.S. si Donna,” aniya.

Baby is just on a vacation sa Pilipinas at babalik din niya ng Amerika sa susunod na buwan.

Very proud ang ina ni Epy nang mapanood niya ang short film nitong “Bukal” na pinalakpakan during the special screening.

Si Pamela Ponti ay nakatrabaho ng yumaong comedy king na si Dolphy sa ilang pelikula in the 60s at kasama na rito ang “Dolpong Scarface” and “James Ban-dong” in 1964 at “Dolpinger” in 1965.

Ang relasyon noon nina Dolphy at Pamela ay nagbunga ng apat na anak na sina Eric, Ronnie, Madonna at Epy.

Hula kay Bugoy at partner ‘di nagkatotoo

BugoyBugoy1TWENTY-one-year-old dancer-actor at dating child star Bugoy Carino became a father at age 16 courtesy of his long-time partner, ang dating volleyball player na si EJ Laure who is almost 6 years his senior. Ang kanilang anak na si Scarlet Carino ay naging source of joy ng mag-partner since 2018 hanggang ngayon.

Kung si Bugoy ay naging bahagi noon ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit,” ang kanyang anak na si Scarlet naman ang bagong kasali sa newly-revived kiddie show na magsisimulang mapanood araw-araw starting July 1, 2024 bago mag-“TV Patrol”.

It was in 2009 nang sumali si Bugoy sa Circle Kid Quest ng ABS-CBN. Bukod sa acting ay nagsimula siya bilang isang mahusay na dancer at naging miyembro pa siya noon sa “Hashtags” all-male dance group ng “It’s Showtime”.

Marami ang nagsabi noon na hindi umano magtatagal ang relasyon ni Bugoy sa partner nitong si EJ dahil sobra pa itong bata pero nakakaanim na taon na ang dalawa ay sila pa rin hanggang ngayon and they are proud parents to their only child.

AUTHOR PROFILE