Kylie

Facebook post vs Kylie, tinanggal ni Aljur … aktor, umaming may pinagdadaanan ang relasyon kay AJ

October 24, 2021 Vinia Vivar 184 views

AJNagbigay ng final statement si Aljur Abrenica hinggil sa kanyang ginawang rebelasyon sa Facebook last week tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla.

Matatandaan na sa naturang post na burado na ngayon ay hinamon ni Aljur si Kylie na sabihin kung sino ang nagtaksil at kung sino ang sumira sa kanilang pamilya na parang pag-amin na rin na ang asawa ang nangaliwa at hindi siya.

Sa mediacon para sa pelikulang Manipula kung saan ay isa sa mga bida si Aljur, ipinaliwanag ng aktor na out of impulse ang pagpu-post niya ng ganu’n.

Aniya ay nasadsad at nabugbog na raw siya and he felt na kinailangan na rin niyang gawin ‘yun.

Sinabi rin niyang hindi siya proud sa nangyari and since nasabi na niya ang lahat ng gusto niyang sabihin, hanggang doon na lang daw ‘yun.

“Pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali rin ako and for the sake of our children, gusto ko na lang matapos ‘to,” aniya.

Anuman daw ang mangyari ay si Kylie pa rin ang ina ng kanyang dalawang anak and he’s thankful for that.

“She’s still the mother of my children, and may pinagsamahan pa rin kami, I will never forget that, ipinagpapasalamat ko ‘yun,” ani Aljur.

“Napakinggan n’yo na ang mga sinabi ko, sa post na ‘yun, at lahat lumabas na, hanggang du’n na lang. So, sana, hinihingi ko po sa inyo na para sa mga bata, para sa pinagsamahan namin ni Kylie, nagpapasalamat kami sa inyo, utang na loob namin sa inyo, ganu’n na lang. Maraming salamat po,” he said.

Tungkol naman sa girlfriend na si AJ Raval, inamin niyang may pinagdadaanan sila ngayon but they’re still together.

“Kami ni AJ, may pinagdadaanan kami dahil sa mga pangyayari ngayon pero we’re fighting. We’re doing our best to learn from it. May matutunan sa mga nangyari and to prioritize ‘yung mga dapat na priorities. And mag-focus sa mga mas importanteng bagay. But we’re still together,” he said.

Asked kung ano ang kanilang napag-usapan at sagot ng aktor, “For us, nasa proseso pa rin ‘yung pag-uusap, so it’s very personal. For now, sa ‘min muna ‘yun.”

Sa Manipula ay isa si Aljur sa leading men ni Ana Jalandoni.

Kasama rin dito sina Kiko Matos, Christian Bautista, Allan Paule, Rosanna Roces at marami pang iba. Ito ay mula sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan.

AUTHOR PROFILE