Healing

Halloween specials, mababalik-balikan sa YouTube

October 24, 2021 Ian F. Fariñas 190 views

Makapanindig-balahibong kilig at katatakutan ang libre sa ABS-CBN Superview ngayong Oktubre sa bago nitong listahan ng mga mapapanood na pelikulang may English subtitles at nakakapangilabot na ABS-CBN shows sa YouTube.

Ipinapalabas ang buong episodes ng classic Kapamilya shows na magpapatayo sa balahibo ng viewers, gaya ng Nginiiig ni Raymond Bagatsing at Verum Est! Totoo Ba Ito? ni Tony Velasquez.

Sa parehong shows, kasama nila ang mga eksperto para imbestigahan ang mga kababalaghan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Mababalikan din ang mga nakakatakot na episodes ng Magandang Gabi Bayan Halloween special ni Kabayan Noli de Castro tungkol sa white lady, multo, kaluluwa, aswang, kulam, sanib at iba pa na siguradong magpapasigaw sa viewers.

Malalim na hugot tungkol sa mga magkaibigang nagkaibigan ang makukuha sa To Love Some Buddy nina Zanjoe Marudo at Maja Salvador, at sa Can We Still Be Friends? nina Gerald Anderson at Arci Munoz.

Manggugulat naman sa takot sina Vilma Santos at Kim Chiu sa The Healing, pati sina Angelica Panganiban at Vhong Navarro sa horror-comedy movie na Bulong.

Mai-enjoy ang mga ito at maraming pang iba sa ABS-CBN Superview kapag nag-subscribe sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment, Star Cinema, Black Sheep at ABS-CBN News.

AUTHOR PROFILE