Bistek

Facebook page, na-hack!

August 21, 2021 Ian F. Fariñas 312 views

NABALIW ang followers ng Mayor Herbert M. Bautista-Quezon City Facebook page dahil sa malaswang litrato na lumabas sa My Day nito nu’ng Biyernes.

Obviously, na-hack ang nasabing account kaya naman nagbigay agad ng advisory ang admin ng nasabing page.

“We urge all followers of the Mayor Herbert M. Bautista-Quezon City Facebook Page account to report it for investigation due to malicious and unauthorized access. We deny the unsavory post that was uploaded in that socmed account. Please be guided accordingly,” anang opisyal na statement.

Ang Mayor Herbert M. Bautista ay ang official FB page ng opisina ng dating QC mayor nu’ng nasa posisyon pa siya.

May hiwalay na socmed accounts si Herbert for his personal use.

Nakakaloka lang isipin na may mga tao pang nakakaisip na gumawa ng mga ganitong kalokohan kahit nasa gitna tayo ng pandemya.

AUTHOR PROFILE