Alden

‘The World Between Us,’ dalawang buwan magpapahinga

August 21, 2021 Ian F. Fariñas 130 views

SPEAKING of Bea, tuluy na tuloy na nga ang pagsasamahan nilang pelikula ni Alden Richards soon.

Isa ito sa mga nabanggit ng Pambansang Bae sa virtual mediacon kahapon para sa season ender ng serye nila ni Jasmine Curtis Smith na The World Between Us.

Dalawang buwan magpapahinga ang TWBU at pansamantalang papalitan ng The Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres.

Kaya naman sinigurado ng production team, led by Direk Dominic Zapata, na intense at kaabang-abang ang magiging season ender ng serye sa huling limang araw nito next week.

Sa November 15 pa inaasahang babalik ang TWBU at habang bakasyon, plano ni Alden na magpakondisyon para sa mga pagbabagong magaganap sa karakter niyang si Louie.

Paliwanag ni Direk Dom, kinailangang mag-break ang produksyon dahil sa ipinatutupad na quarantine sa bansa dala ng Covid-19 pandemic.

Paraan daw ito para masiguro, lalo na ng Kapuso management, ang safety ng lahat ng artista at crew ng TWBU.

“Kung ipilit namin ito, baka we’ll be sacrificing a little too much of everyone’s safety,” dagdag ng direktor.

AUTHOR PROFILE