EXB

Ex-Battalion, lumelebel sa BTS sa mahal ng concert tickets

November 14, 2021 Vinia Vivar 114 views

For sure ay nagbubunyi na ang fans ng Ex-Batallion dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng napakalaking digital concert ang grupo.

Titled Evoluxion, the show is the first major concert of Ex-Battalion.

Ito ay gaganapin sa Dec. 11, 8 p.m., sa Araneta Coliseum and will be streamed live on ktx.ph.

The three-hour live concert special features all of the group’s signature hits and other recordings performed live like never before, backed by a full band under award-winning musical director Raul Mitra.

Evoluxion will also mark the first time the group will talk about their inspiring personal rags-to-riches stories as they retrace their journey to stardom.

Sa virtual mediacon na ginanap last Saturday ay masayang-masaya ang grupo at super excited na sila sa kanilang first major concert.

Aminado naman silang medyo challenging ang concert since napakahirap ding mag-perform nang walang crowd.

“Pero mas iniisip na lang namin na sobrang excited naming mag-perform. Sobrang tagal namin itong hindi nagagawa,” sey ng isa sa miyembro na si Flow-G.

Aside from Flow-G, ang iba pang miyembro ng Ex B ay sina Honcho, Skusta Clee, King Badger, Emcee Rhenn, Brando, Jroa, Yuridope, Jekkpot, Huddasss, Jnskie, Bullet-D, Cent at E.I.J.

Sobrang thankful din ang grupo sa mga producer na sina RS Francisco at Sam Versoza ng Frontrow sa pagte-take ng risk at sa all-out na suporta sa kanila.

Ang bongga ng sagot ni RS nang matanong kung ang Ex-Batallion ba ang maiko-consider na BTS ng Pilipinas especially kung pagbabasehan ang ticket prices ng Troop 6 (P20,000) and Troop 7 (P35,000) category.

“Of course, alam natin na hindi sila K-pop pero ang equivalent nila ay sila ‘yung talagang hip hop stars na talagang parang BTS na rin ang datingan nila,” paliwanag ni RS.

Ipinaliwanag din ng producer na sulit na sulit ang presyo ng tickets mula sa lowest price na P300 pesos hanggang sa pinakamahal na Troop 6 and Troop 7.

Sa P20,000 ay kasama na ang access to online concert, plus printed ticket, EXB greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster with EXB mask and shirt, RS mask and shirt, SV shirt and jacket and an exclusive dinner with the EXB.

Sa Troop 7: Atin ang Gabi – P35,000, package includes access to online concert, plus printed ticket, EXB greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via Zoom, signed EXB poster with EXB mask and shirt, RS mask and shirt, SV shirt and jacket.

Meron ding exclusive dinner with the EXB and an exclusive access to the listening party (inclusive of cocktails) featuring never-before-heard (unreleased) Ex B tracks.

Other tickets are priced at P300, P500, P750, P1,200 and P2,000.

AUTHOR PROFILE