Student ESTUDYANTE SA ROOFTOP – Tinangkang magpakamatay ng binatilyong estudyante na umakyat sa rooftop ng isang gusali sa España Boulevard sa Sampaloc, Maynila.

Estudyante nagtangkang tumalon mula sa rooftop

March 17, 2023 Jonjon Reyes 660 views

NAPIGILAN ang tangkang pagpapatiwakal ng isang estudyante ng University of Santo Tomas matapos itong mailigtas ng mga awtoridad nitong Biyernes ng hapon.

Sa impormasyon na ibinahagi ni Manila Police District-Public Information Office Major Philipp Ines, pasado alas 2 ng hapon nang makuha ang estudyante sa rooftop ng ika-24 palapag ng Blessed Pier Giorgio Frassati Building sa España Boulevard corner Extramadura Street sa Sampaloc, Maynila.

Siya ay isang 22-anyos na B.S. Computer Science student ng naturang unibersidad at residente sa Las Piñas City, ngunit nanunuluyan sa nasabing gusali.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagtangkang tumalon ang binatilyo sa rooftop ng gusali sa hindi pa mabatid na kadahilanan.

Katuwang ng pulisya ang Bureau of Fire Protection sa pagsagip sa biktima na isinailalim sa medical attention.

AUTHOR PROFILE