Kulong

ESTUDYANTE ‘GINAHASA’ NG GURO

April 30, 2023 Melnie Ragasa-limena 1185 views

Sa loob ng classroom

NAHAHARAP sa kasong rape ang isang 25-taong gulang na guro matapos umanong gahasain ang kaniyang 13-anyos na estudyante sa loob mismo ng kaniyang classroom sa isang paaralan sa lungsod Quezon.

Ayon kay PLt.Col. Robert Amoranto, Station Commander of Kamuning Police Station (PS 10), nangyari ang insidente bandang 12:45 p.m. ng April 27, 2023.

Inutusan umano ng suspek ang biktima na pumunta sa kaniyang classroom dahil meron umano siyang ipapagawa dito.

Agad na nagtungo ang biktima sa nasabing kuwarto ngunit pagdating sa loob ay sinimulan siya umanong hubaran ng suspek at ginahasa.

Kinabukasan ay nagtangka uli ang suspek na gahasain ang biktima.

Naglalakad umano ang dalagita sa hallway ng kanilang paaralan ng bigla siyang hilahin ng suspek at kinaladkad sa music room.

Muli na naman siyang pinagsamantalahan ng suspek pero nagawa niyang makatakas.

Agad na nagsumbong ang biktima sa kaniyang ina na nagreport naman sa Kamuning Police Station.

Naaresto ang suspek sa isang follow-up operation.