Dyessa Larawan mula sa IG/@garciadyessa_

Enjoy sa ‘diligan’

February 1, 2024 People's Tonight 152 views

SUMIRIT ang alindog ng Vivamax actress na si Dyessa Garcia sa kanyang pagbabandera sa kaakit-akit nitong katawan.

Sa Instagram page ng sexy star, ibinahagi niya ang ilang larawan para ipakilala ang kanyang karakter para sa pinaka bago niyang proyekto.

Tampok si Dyessa sa isang Vivamax original film na pinamagatang ‘DILIG’ sa direksyon ni Christian Paolo Lat. Nakasama niya sa nasabing proyekto sina Rica Gonzales, Chad Solano, at JD Aguas.

Makikita sa larawan na nasa banyo ang hot actress na para bang handa nang paliguan ang mga barakong pawis na pawis at laway na laway pagpantasyahan ang kanyang katawan.

Suot-suot ni Dyessa ang isang one-piece swimsuit kung saan talaga namang bumulwak ang kanyang sex appeal.

Tila naloka naman ang netizens sa hotness ng sexy star. Agad nilang pinusuan, binaha ng fire emojis ang comment section ng nasabing post at ibinahaging nagustuhan nila ang performance ni Dyessa sa nasabing palabas.

“My fav actress in (Vivamax).”

“Oo naman crush @garciadyessa_ napanuod kona ng galing nga don sa movie mo ikaw talaga ang galing umarte.”

“So lovely!!”

“Done, galing nyo po.”

Nakilala si Dyessa sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Dilig (2024), Araro (2023) at Sugapa (2023).

AUTHOR PROFILE