Bianca Larawan mula sa IG/@biancamanalo

Bianca panalo pa rin sa kaseksihan

February 1, 2024 People's Tonight 110 views

WALANG kupas ang taglay na alindog ng beauty queen-actress na si Bianca Manalo.

Itinanghal mang Binibining Pilipinas Universe winner noong 2009 pa, hindi nawala ang pagiging mapang-akit ni Bianca.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi niya ang isang 2016 throwback picture noong siya ay minsang nasa Blue Marlin, Ibiza sa bansang Spain.

Nagpasabog ng init si Bianca nang sampalin ng sinag ng araw ang kanyang sexy body habang suot-suot ang two-piece bikini.

Todo-flex ang beauty queen sa kanyang sexy body habang masayang-masaya sa kanyang peace sign pose.

Hindi lang araw ang pinatirik ni Bianca sa bagbabandera niya ng kanyang sex appeal, pati na ang mata ng mga anak ni Adan na tiyak ay magwawala sa kanyang kariktan.

Samantala, nitong nagdaang Disyembre lamang ay kumalat sa social media ang isyung idinadawit siya sa cheating issue kasama si Herlene Budol sa Kapuso starlet na si Rob Gomez, matapos maging usap-usapan ang di umano’y screenshots ng conversation nila na ibinahagi sa social media ng aktor.

“You didn’t reply on Telegram. Meron ka na naman na pick-up na ibang girl noh,” mensahe umano ng former beauty queen sa Kapuso starlet.

“Kaya mo pumunta that early? 7 am? Brought my dogs here sa Makati. Let me know para I can go back to BGC early to see you before I leave at 10 am…He’s not here. He’s in Valenzuela,” ayon pa sa hiwalay na mensahe umano ni Bianca kay Rob.

Si Sen. Sherwin Gatchalian ang longtime at kasalukuyang nobyo ni Bianca.

AUTHOR PROFILE