Maja Larawan: Florenz/IG

Rambo at Maja Salvador babae ang unang anak

February 1, 2024 People's Tonight 139 views

“IT’s a girl!” Masayang-masayang ibinahagi ngayon ng bagong kasal na sina Maja Salvador at Rambo Nunez na ang gender ng kanilang unang anak ay babae.

Sa Instagram post ni Maja, Pebrero 1, ibinahagi niya ang teaser video ng kanilang B-Dragon gender reveal celebration kung saang ilan sa mga social media influencers at showbiz friends ang nakilahok sa pahula game ng mag-asawa.

“We’re blessed with a baby?” caption ni Maja na pinapahulaan din niya sa kanyang mga taga-subaybay.

Kalakip sa caption ay ang video kung saan nakisaya sina Chie Filomeno, komedyanteng si Pooh, Kapamilya actress Kathryn Bernardo, at marami pang iba.

Ang venue namang ay naging isang dreamy ceremony kung saan puno ng light hue balloons, at sa gitna naman ay ang box kung saan ang key upang malaman na ang kasarian ng kanilang anak.

Inulan naman ng well-wishes at heart icon ang nasabing post ng aktres.

AUTHOR PROFILE