Lala Julius Babao, Ara Mina and Lala Montelibano

Lala binalikan ang madilim na kahapon

February 1, 2024 Eugene E. Asis 190 views

NOSTALGIC para sa amin ang interview ni Julius Babao sa dating bold actress na si Lala Montelibano.

Una, nabanggit niya (Lala) ang pangalan namin bilang unang nagsulat tungkol sa kanya sa People’s Tonight. Kolumnista kami noon sa kapatid na tabloid ng People’s Journal, at isa kami sa mga unang manunulat kung kanino ipinakikilala ng namayapang talent manager na si Dr. Rey de la Cruz ang kanyang mga alaga.

Pangalawa, nagulat kami dahil hindi namin alam na 13 years old lamang si Lala noon. Ang buong akala namin, 17 or 18 na siya. Hindi namin naisip noon yun, kahit na nga may pagka-playful pa noon si Lala, at hindi pa nga halos buo ang dibdib bilang isang dalaga.

Basta, naniniwala kami sa kung ano ang sinabi ng kanyang talent manager.

Sa mga isiniwalat niya kay Julius, may mga hinala na kami tungkol sa mga identity ng mga umano’y umabuso sa kanya. Pero dahil nga sa kanyang playful, at masayahing attitude, tila wala siyang problema kapag nakakausap namin.

At wala rin kaming alam noong una na ang adoptive father niya sa Olongapo ay kilala namin.

Sa ngayon, natutuwa kami dahil kahit paano, nakaahon na siya sa madilim na bahagi ng kanyang buhay.

Saludo rin kami sa aktres at entrepreneur na si Ara dahil sa kanyang busilak na puso. Tinulungan niya si Lala, tulad din ng ginawa niyang pagtulong sa isa pang dating aktres na si Deborah Sun.

Si Ara rin ang tumulong para magkaroon ng maayos na burol at libing ang manunulat ding si Leo Bukas. At bago pa rito, maraming sinuong na hirap si Leo noong nabubuhay pa ito na si Ara rin ang sumagip.

Back to Lala, nalaman namin sa interview ni Julius na isa na siyang real estate agent sa Davao. Maganda na rin ang kalagayan ng iba niyang anak, at hindi man marangya ang kanilang buhay, ang mahalaga ay maayos na siya kasama ang pamilya.

AUTHOR PROFILE