Default Thumbnail

Engineer natagpuang patay sa Sta. Rosa

February 11, 2024 Gil Aman 99 views

ISANG Koreanong engineer na hinihinalang nagpakamatay ang natagpuan sa hotel sa Sta. Rosa City, Laguna noong Sabado, ayon sa pulisya.

Sinabi ni PLt. Col. Dwight Fonte, hepe ng Sta Rosa Police, na 56-anyos at may asawa ang biktima.

Ayon sa pulisya, engineer sa construction company ang biktima. Nadiskubre ang bangkay ng biktima ni Christian Carlo Logatoc, ang hotel supervisor.

Huling nakitang buhay ang Koreano ng mag check-in sa room 324 ng Sogo Hotel dakong ala-1:57 ng umaga noong Biyernes.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa kama at may laslas sa braso.

Nagkalat ang dugo ng biktima ng matagpuan ang bangkay nito.

AUTHOR PROFILE