Default Thumbnail

Empleyado ng Batelec dedo sa Taysan road crash

April 12, 2023 Jojo C. Magsombol 228 views

DEDO ang isang empleyado ng Batangas Electric Company (Batelec) nang aksidenteng mabangga ng kanyang sinasakyang motorsiklo ang gutter ng kalye at sumadsad sa konkretong kalsada sa Bgy. Tilambo, Taysan, Batangas, Linggo ng gabi.

Ayon kay P/Maj. Arnold P. Bianzon ng Taysan Municipal Police Station (MPS), nagtamo ang biktima, 24, residente ng Padre Garcia, Batangas ng mga grabeng sugat sa ulo at iba’t-ibang parte ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 5:30 ng hapon (Abril 9, 2023) habang sakay ng Yamaha Aerox ang biktima ay tinahak nito ang kurbadang parte ng kalsada ng diumano ay tumama ito sa gutter at nawalan umano ng kontrol sa motorsiklo.

Sa lakas ng impak, tumilapon ang biktima at bumagsak sa konkretong kalsada na duguan.

Mabilis na isinugod ng mga nagrespondeng mga residente ang biktima sa MVM Hospital subalit ayon sa kay Dra. Luzviminda Lipat ay patay na nang idating ang rider ng motorsiklo.

AUTHOR PROFILE