El Shaddai EL SHADDAI INENDORSO BBM FOR PRESIDENT, SARA FOR VP — Itinataas ni Bro. Mike Velarde ang mga kamay nina ex-senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte bilang official na pagsuporta ng El Shaddai sa BBM- Sara UniTeam at pagtakbo ni Marcos bilang susunod na presidente ng Pilipinas at ni Duterte bilang susunod na bise presidente sa naganap na El Shaddai Fellowship Sabado sa Paranaque City. Kuha ni JON-JON REYES

El Shaddai endorses BBM-Sara

February 12, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 683 views

THE big religious group El Shaddai headed by Bro. Mike Velarde early Saturday evening endorsed the presidential bid of former Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. of the Partido Federal ng Pilipinas (PFP) and vice presidential candidacy of Lakas-Christian Muslim-Democrats (CMD) chairperson Mayor Sara Duterte of Davao City.

The Lakas-CMD vice presidential candidate thanked El Shaddai, its leader Bro. Mike Velarde, and its millions of members for deciding to support her and Marcos.

“Maraming, maraming salamat po Brother Mike Velarde at sa milyun-milyong kasapi ng El Shaddai. Ang inyong suporta sa aking kandidatura pagka-bise presidente ng Pilipinas ay isang malaking tulong sa aking pangarap at mga gustong isulong kapag ako ay nahalal kasama ang ating presidential candidate–si Apo Bongbong Marcos,” Duterte said.

Duterte vowed to pursue the programs of her father, President Rodrigo “Roa” Duterte, including the campaign against illegal drugs.

“Gusto rin nating ituloy ang mga magagandang programa at proyekto ng administrasyong Duterte,” Duterte said.

Duterte said the endorsement of El Shaddai will inspire her and Marcos to lead the country.

“Kagalang-galang na Brother Mike Velarde, ang inyo pong dasal at basbas–kasama ng lahat ng kasapi ng El Shaddai–ay karagdagang sandata sa amin ni Apo BBM sa pagharap namin sa hamon na pamunuan ang ating bansa,” Duterte said.

“Alam namin na hindi biro ang aming hinaharap. At kung sakaling kami ang pipiliin ng mga Pilipino sa Mayo, kakaharapin namin ang tiyak na mas malalaki pang hamon. Pero naniniwala ako na walang hamon o pagsubok o problema na hindi kayang solusyunan o lampasan sa pamamagitan ng ating pagkakaisa,” she said.

“Alam ko na ang pagkakaisa ay isang bagay na pamilyar at malapit po sa puso ng mga kasapi ng El Shaddai. Kasama ang pananampalataya sa Diyos, ang pagkakaisa ang dahilan bakit malakas at lumalakas po ang inyong samahan,” Duterte said.

“Sa darating na mga araw, magpapatuloy ang Mahalin natin ang Pilipinas Ride. Sa pamamagitan nito, nais naming makasalamuha at makausap ang mas marami pa nating mga kababayan–para maiparating sa kanila ang ating mensahe, para maipaabot namin ang mga plano ng UniTeam. Humihiling po ako ng mas marami pang panalangin at basbas na sana ay maipagpatuloy namin ang aming gawain nang maayos at walang problema,” she said.

“Hangad po namin ang tagumpay ng mga Pilipino at ng buong bansa. Sa muli, tanggapin po ninyo ang aking taus-pusong pasasalamat sa inyong suporta. Ipagdasal natin ang Pilipinas. Mahalin natin ang Pilipinas. Maraming, maraming salamat,” she added.

AUTHOR PROFILE