Released

DYESSA INAMIN ANG LESBIAN RELATIONSHIP

April 11, 2024 Vinia Vivar 137 views

Buong tapang na inamin ng Vivamax star na si Dyessa Garcia na nagkaroon siya ng karelasyong lesbian kaya hindi naging mahirap para sa kanya ang sizzling scenes nila ng co-star na si Ataska sa pelikula nilang Sweet Release.

“May naging ex-girlfriend po kasi ako kaya hindi na rin po sa akin bago, then, ang ginagawa ko na lang po is itinuturo ko na lang sa kanya (Ataska) kung ano ‘yung ginagawa talaga ng babae sa babae,” sey ni Dyessa sa mediacon.

“Kaya po mas nakumportable rin po ako sa babaeng ka-love scene,” dagdag pa niya.

Para kay Dyessa, okay naman ang girl-to-girl relationship pero nilinaw niyang straight siya.

“Straight po talaga ako, hindi po talaga ako nagkakagusto sa babae. So, nu’ng time po na nagkagusto ako sa kanya, in denial po talaga ako. Kasi confused po ako sa sarili ko.

“Then, na-realize ko na hindi po ‘yung gender ko ang problema kundi ‘yung puso ko po is nagmahal. ‘Yun po,” ani Dyessa.

Hindi nga lang nag-work out ang relasyon nila kaya nauwi rin sa hiwalayan.

Ayon naman kay Ataska, hindi siya nahirapan sa love scenes nila ni Dyessa dahil bago pa man sila mag-shoot ay nagkaroon sila ng time to get to know each other.

“Before the shoot, we all got to know each other. Tapos parang I was really happy with this project kasi parang lahat kami, nag-click agad so parang I couldn’t feel awkward around anyone and I was never uncomfortable kasi parang naging friends talaga kami as in pareho kaming besties. So, I’m really happy,” sabi ni Ataska.

Kasama rin sa pelikula si Mhack Morales, leading man ng dalawang girls.

Aniya, sobrang nag-enjoy siya doing the film.

“Nu’ng nasa shooting kami, parang sobrang tagal na naming magkakakilala, sobrang comfortable na kami. Kahit nga si Direk (Pancho Maniquis), akala mo magkakasing-edad lang, magkakatropa talaga kami matagal na, ganu’n. Kaya ‘yung trababo namin, sobrang gaan. Sobrang bait pa ni direk.

Ayon naman kay Direk Pancho, ang Sweet Release ay “spiritual successor to Sex Drive,” isang notable erotic film noong 2003.

Sweet Release starts streaming on Vivamax today, April 12.

AUTHOR PROFILE