Joshua

Joshua tinawag na ‘my person’ ng rumored GF na si Emilienne

June 11, 2024 Vinia Vivar 101 views

Lantaran na rin ang relasyon ni Joshua Garcia sa French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier.

Sa 26th birthday ni Emilienne last June 10, kasama niyang nag-celebrate si Joshua at ang mga taong malalapit sa kanya.

Makikita sa Instagram ng athlete ang mga kaganapan sa kanyang intimate party with her boyfriend.

“My bestest friend reminded me (all the time actually) lots of times last night that I am loved by many and I know so when I always see the same people show up for me & others from our shmoll circle since 2017,” caption ni Emilienne.

“Merci fwends for always being present and real (& the rest who I have no photos with. basta happy kayo ok na ako),” patuloy pa niya.

Sinabi rin ng dalaga na masaya ang kanyang buhay dahil sa mga taong nagmamahal sa kanya.

“Masaya buhay ko dahil nan diyan kayo. I appreciate and love y’all so much, I really cried a river of gratitude this morning,” aniya.

Nagpaabot din ng pagbati si Joshua sa dyowa sa kanyang Instagram Story.

Nagpost siya ng childhood photo ni Emilienne at aniya, “HBD” o “happy birthday.”

Sa latest post ni Emilienne kahapon sa IG ay tila kinumpirma na niya talaga ang relasyon nila ni Joshua dahil tinawag niya ang aktor na “my person.”

Nag-upload ang dalaga ng mga larawan nila ni Joshua together at sa caption, she wrote in French, “avec ma personne” na ang ibig sabihin sa English ay “with my person.”

Ibinahagi rin niya ang tila conversation nila noon ni Joshua.

“Pinag trabahuan mo talaga ako ng isang buwan para lang pumayag ka na mag dinner tayo nun

“Oo syempre, bakit? Nr replies muna. Who you” pagbabagagi ng dalaga.

Kinilig naman ang netizens at sey nila, bagay na bagay ang dalawa.

AUTHOR PROFILE