Pinatay Source: Digos City Police

PINATAY DAHIL SA ‘AWAY SA LUPA’

June 11, 2024 Zaida I. Delos Reyes 64 views

PATAY ang 54-anyos na lady prosecutor matapos umanong barilin sa ulo ng kanyang half brother habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan pauwi sa kanyang bahay sa Digos City, Davao Occidental.

Nakilala ang biktima na assistant provincial prosecutor sa Davao Occidental.

Batay sa ulat ng Digos City Police, naganap ang insidente dakong 5:20 ng hapon nitong Lunes.

Minamaneho ng biktima ang kanyang pickup truck pauwi sa kanilang bahay nang pagbabarilin siya ng suspek sa ulo.

Dead on the spot ang biktima bunga ng maraming tama ng bala sa ulo, habang naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na nakilalang 56-anyos na lalaki na residente ng Purok 3, Talas, Sulop, Digos City.

Sa ngayon, problema sa lupa ang tinitignang motibo ng pamamaril.

Agad namang kinondena ng Department of Justice (DOJ) ang pagpatay sa biktima.

“It is with profound sorrow and a heavy heart that we share the devastating news of the tragic death of Prosecutor…,” pahayag ng DOJ National Prosecution Service-11.