Billy

BILLY MUKHANG HEALTHY

June 11, 2024 Vinia Vivar 89 views

Nag-guest kahapon sina Billy Crawford at Sarah Geronimo sa It’s Showtime and performed their new music collaboration na My Mind.

In fairness, mukha namang healthy si Billy na matatandaang pinag-isipan ng netizens na may sakit last month dahil sa kanyang super-payat na hitsura sa isang larawan.

Super-husay pa nga rin niyang sumayaw, very energetic at walang-wala sa hitsura na may sakit.

Siyempre, tinapatan din ni Sarah ang bonggang dance moves ng kanyang ka-duet.

Sa naturang show ay ikinuwento ng dalawa kung paano nabuo ang kanilang collab song.

“Matagal na kami ni Sarah na gustong magtrabaho together. So, this year just made it really happen for us. Produced by Jin Chan and me. So, sinulat namin ‘yung kanta habang wala pa si Sarah.

Tapos pagbalik niya, ito gusto ko rin. In a few days, ‘tapos na ‘yung My Mind,” tsika ni Billy.

Ayon naman kay Sarah, isang karangalan para sa kanya na makatrabaho si Billy at every time nga na nakikita niya ito ay nai-starstruck siya.

“Si Billy ay gem ng Philippine music industry. It’s always a joy and a privilege na mapanood ang ganitong kagaling na artist. We love you so much, Billy, as a performer and as a person, at maraming salamat.

“Sobra akong honored. Alam mo nagpapa-cool lang ako sa ‘yo lagi pero sobra akong nai-starstruck ako sa ‘yo everytime,” sey ni Sarah.

Sabi naman ni Billy, “Just to work with someone like Ms. Sarah G., it’s such an honor, it’s such a pleasure. Lahat ito ay orchestrated by God.”

Anyway, siguro naman ngayon ay wala nang magsasabi na mukhang may sakit si Billy, ‘no?

AUTHOR PROFILE