Vargas

ALFRED BET MAG-CO-PRODUCE NG MAS MARAMING PELIKULA

June 10, 2024 Ian F. Fariñas 108 views

MATAPOS magwagi ni Alfred Vargas bilang best actor (ka-tie si Piolo Pascual) sa 72nd FAMAS Awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang Pieta, balak naman niyang mag-co-produce ng mas maraming pelikula na hindi siya ang bida.

Sa thanksgiving lunch kasama ang entertainment media kamakailan, inamin ng QC councilor na mahirap sundan ang matagumpay na pagsasama nila ng Superstar na si Nora Aunor.

“Ang hirap pumili after Pieta,” diin ni Alfred. “Later on I might co-produce movies na ‘di ako part of. Sa likod din muna at the same time, isipin ko muna ano ang next acting piece na gagawin natin.”

Isa pa, quota na umano siya for 2024. One movie a year lang umano ang kaya niyang i-accommodate para naman may iba pa siyang mga bagay na pwedeng gawin at pagtuunan ng pansin.

Sa ngayon, abala si Alfred sa pag-aayos ng theater screenings ng Pieta na eksklusibong mapapanood sa SM Cinemas simula July.

Bukod dito, may bago rin siyang serye sa GMA-7, ang Forever Young, sa ilalim ng joint direction nina Rechie del Carmen at Gil Tejada.

Makakasama ng aktor sa Forever Young ang kapwa award-winning child actor na si Euwenn Mikael bilang isang 25-year-old boy na hindi na tumanda.

Ani Alfred, half-way na ang kanilang nate-tape at pulos de-kalibre ang mga kasama nila ni Euwenn sa serye tulad Michael de Mesa, Eula Valdez, Rafael Rosell, Althea Ablan at ang comebacking Kapuso actress na si Nadine Samonte.

Samantala, malaking honor para kay Alfred ang pagkaka-tie nila ni Piolo bilang FAMAS best actor.

Aniya, “I will feel honored kasi si Piolo grand slam best supporting actor ‘yon. Perennial best actor naman siya. Even in my ano, Talent Center days, tinitingala naman talaga siya, tinitingala ko siya as ano, idol ko rin siya noon, kasi magaling, magaling na actor.

“I’m honored, I’m honored na ka-tie ko siya. And to think na lahat ng nominees, mahuhusay lahat. So, ako, parang okay na ‘ko just to be part of the list. ‘Di ba, si Alden Richards, maganda, galing, Dingdong (Dantes) galing sa Rewind, si Cedric Juan saka si Ken Chan, ang gagaling din.

“Ako, I’m happy kasi ‘yung simple at saka maliit naming pelikula, napansin. Kasi halos lahat ‘yon, ano ‘yon, greatest movies lahat. Kami lang ‘yung indie, ‘yon, together with Louie Ignacio’s movie.”

Hindi raw talaga siya nag-expect na makapag-uuwi siya ng kauna-unahan niyang FAMAS trophy dahil nga sa sobrang higpit ng labanan.

Kaya naman nagulat siya nang tawagin ang pangalan niya.

“Nagulat ako. That time, bago tawagin ang pangalan ko, iniisip ko na kung ano ‘yung ika-caption ko sa Facebook congratulating the winner para, ‘di ba, para ano na. Tanggap ko na. Pero ‘yun nga, hangga’t wala sa ‘yo ‘yan, baka may… anything can happen,” kwento ni Alfred.

Sa mga nagsasabi namang bayad ang pagkapanalo niya, ito lang daw ang masasabi ni Alfred: “Ako, una, hindi po totoo ‘yon. Tapos, pangalawa, sa lahat po ng nakapanood ng Pieta malalaman nila.

So, manood sila ng Pieta. Ah, mabigat ‘tong trophy, every inch, every gram nito, pinaghirapan po natin kaya proud na proud po tayo.”

AUTHOR PROFILE