Azi Larawan mula sa IG/Azi Acosta

Azi may gayuma ang karisma

April 11, 2024 People's Tonight 238 views

MAY taglay na natural na gayuma ang mga titig at sumisirit na alindog ng Vivamax actress na si Azi Acosta, kaya naman ang mga opposite sex ay ganoon na lamang kung mahulog sa kanya.

Sa isang Instagram post ng sexy star, ilang promotional pictures ang ibinida niya para sa papalabas niyang bagong proyekto na pinamagatang ‘Gayuma.’

Dyosa ng tag-init ang atake ni Azi sa nasabing post. Halatang handang-handa ang kanyang katawan para sa summer.

Petmalu ang kurba ng kanyang body sa suot na puting two-piece bikini, at nagpaandar pa siya ng tapis na siya namang nakadagdag sa hotness ng hot actress.

Kasing puti at linis ng suot niyang swimwear ang kakinisan ng balat ng bebot, mala-pain ito sa mga barakong madaling bingwitin na bet na bet siyang kagatin sa kanilang pantasya.

Sabik na sabik na nga ang mga kalalakihan sa kanyang comment section na magkaroon si Azi ng panibagong proyekto sa Vivamax.

Nakilala si Azi sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Erotica Manila (2023), Sitio Diablo (2022) at Sugar Baby (2023).

AUTHOR PROFILE