Maymay

Maymay gusto ng fans na bumalik kay Edward

April 12, 2024 Aster Amoyo 145 views

Maymay1PAGKATAPOS kumpirmahin ni Maymay Entrata na wala na sila ng kanyang Canadian boyfriend na si Aaron Gaskell, umaasa ang MayWard fans nila ng kanyang dating ka-loveteam na si Edward Barber na muling mabubuo ang dating tambalan ng dalawa.

Parehong mainstay sina Maymay at Edward sa musical variety show ng Kapamilya channel, ang “ASAP Natin `To” kung saan ginu-groom ang Filipino-British actor sa hosting habang naipapakita naman ni Maymay ang kanyang talent sa pagkanta, pagsayaw at paghu-host.

Sa kabila ng pagkabuwag ng kanilang tandem ay nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Anak na member ng LGBT sumulat kay Dennis

DennisDennisHANGGANG ngayon ay hindi pa rin bukas ang komunikasyon ng actor-comedian, occasional director at dating politician na si Dennis Padilla sa kanyang tatlong anak sa dati nitong misis na si Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon. Ayon na rin mismo sa actor-comedian, mga tatlo hanggang limang taon na umano niyang hindi nakikita o nakakausap man lamang ang kanyang mga anak. Pero hindi umano nawawala ang kanyang pag-asa na sana’y dumating ang pagkakataon na maging bukas ang kanyang relasyon sa tatlo niyang anak kay Marjorie.

Although tinext ni Julia si Dennis sa kanyang 62nd birthday last February at pinasalamatan naman siya ni Leon nang batiin niya ito on social media sa kanyang 21st birthday, pagkatapos nito ay wala na.

Nananatili namang maganda ang relasyon niya sa kanyang apat na anak na sina Diane at Luis Baldivia (sa kanyang unang ex-wife na si Monina Gatus) at sina Gavin at Maddie sa kanyang ex-Filipino-Australian partner na si Linda Gorton na bumalik na ng Sydney, Australia kasama ang dalawa nilang anak.

Ayon kay Dennis ay regular umano ang kanyang komunikasyon sa dalawa niyang bunsong anak na nakatakda niyang dalawin within the year habang ang kanyang pinakapanganay sa pito niyang anak na si Diane ay gusto rin niyang dalawin sa Amerika. Ang regular niyang nakikita ay ang kanyang second child na si Luis na nagtapos din ng Politician Science tulad niya at nagtatrabaho na sa Development Academy of the Philippines (DAP).

Ang unang wife ni Dennis na si Monina ay may iba nang pamilya sa Amerika.

Pangarap ni Dennis na makasama ang kanyang pitong anak in one frame na inaasam niyang mangyari habang buhay pa siya at malakas pa.

Although pito ang kanyang anak sa tatlong magkakaibang babae, lahat ng mga ito ay minahal niya nung panahon nila at iniyakan niya ang kanilang paghihiwalay.

Hindi man niya kapiling ang kanyang pitong anak, patuloy niya umanong ipinagdarasal ang mga ito na maging healthy at maging maganda ang takbo ng buhay laluna kapag nagkaroon na ng sariling pamilya ang mga ito balang araw.

Sa pitong anak, ang eldest child niyang si Diane ay meron nang partner mula sa LGBT community at sila’y nakatira sa Amerika.

“Di ko makakalimutan nang ihatid ko sa airport pa-Amerika noon si Diane,” panimula ni Dennis.

“Nang magkapaalamanan kami, may inabot siyang sulat sa akin na buksan at basahin ko lamang daw kapag nakapasok na siya sa departure area,” patuloy niya.

“While driving pauwi, tumabi ako sandali at saka ko binuksan at binasa ang letter na ibinigay ng anak ko. Nagtapat siya na meron umano siyang partner (from LGBT community) at nakatakda silang magpakasal sa Amerika. Ang akala siguro ng anak ko ay magagalit ako sa kanya,” ani Dennis.

“Ang ginawa ko, I texted her at sinabi kong okey lang sa akin kung doon siya masaya. May boyfriend noon si Diane pero nagkahiwalay sila,” dugtong pa niya.

Bukod sa dalawa niyang anak na sina Gavin at Maddie na plano niyang dalawin sa Sydney, Australia, nangako rin siya sa kanyang panganay at partner nito na dadalaw siya sa Amerika kapag maluwag ang kanyang schedule.

Dennis will be forever grateful hindi lamang sa kanyang yumaong ama, ang veteran actor-comedian na si Dencio Padilla kundi maging sa mga yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr., comedy king Dolphy at drama king, ang actor-director na si Eddie Rodriguez na siyang nagdirek ng kanyang launching movie sa bakuran ng Viva Films, ang “Mandurugas” along with action director Humilde `Meek’ Roxas.

Paboritong sidekick noon ang ama ni Dennis na si Dencio Padilla sa mga pelikula ni FPJ kaya nang makita niya si Dennis na kasa-kasama ni Dencio sa shooting ay isinama niya ito sa pelikulang “Nardong Kutsero” in 1969 bilang child actor na sinundan ng “Asedillo” nung 1971, “Totoy Bato” in 1977 at iba pa.

Hinding-hindi umano niya makakalimutan si FPJ nang sitahin siya nito nung bata pa siya na hindi umano siya marunong gumamit ng salitang opo sa mga nakatatanda.

Nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama, si FPJ pa umano ang naunang dumating sa hospital at sinagot nito ang lahat ng gastusin hindi lamang ang hospital bills nito kundi maging sa coffin at service ni Dencio. Ganoon kamahal ni FPJ ang ama ni Dennis.

“He will always have a special place in my heart,” sabi pa noon ni FPJ kay Dennis.

Bukos kay FPJ, marami rin umano siyang lessons na natutunan sa comedy king na si Dolphy na tulad ni FPJ ay napaka-generous din.

Dennis has new non-showbiz partner na nakilala niya sa isang restaurant in Bulacan.

“Mahirap kasi ang walang kasama sa buhay,” aniya.

Matapos mapanood sa 1st and 2nd season ng comedy program na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na pinagbidahan ni Sen. Bong Revilla on GMA, may tinapos na ring isang movie si Dennis na hindi pa naipapalabas and soon to start “Bad Boy 3” na pagbibidahan ni Sen. Robin Padilla na siya rin ang director at producer.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Faceboom@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE