Suspek PANO NA, BOSS?–Kinakausap ni Police Lt. Col. Dionelle Brannon, hepe ng MPD-Sta. Ana Police station 6, ang drug suspek na natimbog sa Tagaytay City. Kuha ni Jon Jon Reyes

Drug suspek huli sa Tagaytay

April 19, 2024 Jonjon Reyes 54 views

NALAMBAT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)-Sta. Ana police station 6 ang 42-anyos na drug suspek sa Rodeo Hill Subdivision, Tagaytay City noong Lunes.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, hepe ng Sta. Ana police station 6, ang akusado na si alyas Richie.

Bandang alas-8:15 ng gabi ng mahuli si alyas Richie sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Danilo Leyva, Presiding Judge ng Regional Trial Court , Branch 175 ng Maynila.

Napag-alaman na miyembro ang suspek ng Mercado Drug Group.

AUTHOR PROFILE