Saksak ‘DI MO PA ORAS, BOY–Isinugod ng mga pulis ang biktimang ito matapos saksakin sa likod ng hindi pa nakikilalang suspek. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki grinipuhan sa likod, buhay

April 19, 2024 Jonjon Reyes 35 views

UMAAGOS pa ang dugo na humingi ng tulong ang isang lalaking biktima ng pananaksak sa Manila Police District-Don Bosco police station 1 noong Miyerkules.

Ayon sa biktimang si Rogelio Romualdez Villegas Marcos, 44, sinaksak siya ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng Pier 16, Brgy.118, Tondo, Maynila.

Kumilos si Pat Agbayani para isugod ang biktima sa Gat Andres Medical Hospital habang nakabaon sa likod ng biktima ang patalim na ginamit ng salarin.

Ayon kay Dr. Japeth Gatchalian, under observation pa at sasailalim sa operasyon ang biktima.

Nagsagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng Don Bosco police para madakip ang nakatakas na suspek at masampahan ng kasong frustrated murder.

AUTHOR PROFILE