Tulak ‘WAG BAWASAN–Iniimbentaryo ng mga pulis ang mga narekober na shabu mula sa mga suspek matapos maaresto noong Huwebes sa Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 drug suspek tiklo sa P353K na shabu

April 19, 2024 Jonjon Reyes 51 views

NABINGWIT ng mga miyembro ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Manila Police District ang dalawang drug suspek dahil sa pagbebenta ng shabu na nagkakahalaga ng P353,600 sa Algeciras St., Brgy. 484, Zone 28, Sampaloc, Maynila noong Huwebes.

Kinilala ni MPD Chief Police Brig. General Arnold Thomas Ibay ang mga naaresto na sina alyas Elmer, 23, at alyas Mary Rose, 20.

Ayon sa ulat nina Police Major Chey Chey Saulog at Police Captain Bernardo Diego, bandang alas-4:15 ng umaga ng mahuli ang dalawa sa buy bust.

Nakumpiska sa dalawa ang limang sachets na may 52 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P353,600.

AUTHOR PROFILE