Default Thumbnail

Drug suspek dedo sa enkuwentro

January 30, 2023 Jonjon Reyes 1001 views

TULAK NG DROGA PUMALAG SA OPERATIBA NG MPD DEDO SA BASECO

IDINEKLARANG dead on arrival ang hinihinalang tulak ng droga, makaraang pumalag sa mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District- Baseco Police Station 13,iniulat ng pulisya.

Nakilala ang namatay na suspek na si Kelvie Panansang aka “Tago” tubong Sta.Cruz , Canaman, Camarines Sur at residente ng Block 1 Dubai Street Baseco Compound Port Area, Manila

Base sa ulat ni Police Lt. Col. Rodel Borbe, Station Commander, pasado alas 6:38 ng umaga nitong Sabado nang maganap ang enkuwentro sa pagitan ng kanyang mga tauhan na sina Police Staff Sargent Joren Mallillin at Police Staff Sargent Mark Alvin Infante, kapwa nakatalaga sa SDEU.

Nang aktong lalapitan ang target ng operasyon, binunot umano nito sa baywang ang 9MM na kalibreng baril at pinaputukan ng tatlong beses ang dalawang pulis

Dito na umano gumanti ng putok si Ssg. Mallillin at isang tama ng bala ang tumama kay alyas : Tago”.

Mabilis na isinugod ang suspek sa Gat.Andres Bonifacio Memorial Medical Center, subalit idineklara itong dead on arrival ni Dr. Crismelo Puno, attending physician.

Gayunman, pinapairal ng mga kapulisan ng Baseco sa pamumuno ni PLt.Col. Borbe ang programa ni MPD- Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang Oplan Galugad at ang Simultaniuos Anti- Criminality Law Enforcement Operation( SACLEO) laban sa mga kriminal sa Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE