Default Thumbnail

Driver tumalon sa Skyway habang ipinagmamaneho ‘amo’

February 19, 2023 Melnie Ragasa-limena 667 views

BIGLANG nag-hand brake ang company driver pagdating ng sasakyan sa Skyway. Bumaba ito, tumakbo sa gilid ng Skyway at tumalon umano. Walang nagawa ang kanyang dalawang pasahero kundi mabigla at manghilakbot. Nagmistulang isang horror movie na nagkatotoo ang insidente.

Patay ang company driver matapos ang umano’y pagtalon sa Skyway habang ipinagmamaneho niya ang dalawang empleyado ng kaniyang amo sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Sa naantalang report ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station, bandang 10:50 p.m.(February 18), nang maganap ang insidente sa Skyway sa harapan ng RCBC bank sa G. Araneta malapit sa kanto ng Aurora Blvd., Brgy. Dona Imelda, Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Nestor V Aris Jr., ng Criminal Investigation and Detection Unit, nautusan umano ang driver na ipagmaneho ang dalawang empleyado ng kumpanyang pinagtatrabahuan.

Habang binabagtas ang kahabaan ng Skyway at pagsapit sa nasabing lugar ay bigla umanong nag-hand brake ang driver dahilan upang bigla ring huminto ang sasakyan.

Matapos ay .lumabas ng sasakyan ang driver at tumakbo patungo sa gilid ng Skyway saka tumalon.

Agad namang isinugod nga mga nakasaki sa insidente ang driver sa UERM Medical Hospital pero idineklara na itong dead on arrival ni Dr. Ma. Cristina Leviste, bandang 11:49 ng gabi.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad sa nangyaring insidente.