Luis Manzano & Jessy Mendiola

Dream wedding ni Jessy, natupad na

February 16, 2024 Vinia Vivar 132 views

Natupad na ang dream ni Jessy Mendiola na church wedding with husband Luis Manzano dahil ikinasal ang mag-asawa via a church ceremony last Thursday, Feb. 15, sa isang resort sa Coron, Palawan.

Ito ang second wedding nina Luis and Jessy dahil matatandaang ikinasal na sila via civil ceremony noong 2021 sa Batangas.

Ayon sa report ng TV Patrol, si Father Tito Caluag ang nag-officiate ng ceremony na dinaluhan ng pamilya ng mag-asawa at malalapit ng kaibigan.

Present na ang parents ni Jessy sa church wedding na hindi nakadalo sa civil wedding noong 2021. Naroroon din ang mga magulang ni Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos-Recto ganundin ang stepfather ng TV host na si Raplh Recto.

Ang anak nina Luis and Jessy na si Rosie ang nagsilbing “little bride.”

Kasama rin sa entourage ang stepbrother ni Luis na si Ryan Recto bilang isa sa best men at ang sister ni Jessy na si Megan Tawile as one of the matrons of honor, ganundin ang mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga as the candle bearers.

Kabilang naman sa principal sponsors sina ABS-CBN CEO and president Carlo Katigbak, ABS-CBN COO Cory Vidanes, ang manager ni Luis na si June Torrejon- Rufino, Virgie Ramos of Swatch at si Alan Real ng Star Magic.

As we write, wala pang official wedding photos na inilalabas ang mag-asawa.

AUTHOR PROFILE