Pic5

EA at Shaira, 2021 pa engaged

February 16, 2024 Vinia Vivar 175 views

Inanunsyo nina EA Guzman at Shaira Diaz na engaged na sila noon pang 2021.

Inamin ito ng Kapuso couple sa Unang Hirit kahapon at nag-post na rin sila sa kani-kanilang social media account.

Naganap ang proposal ni EA noong Dec. 25, 2021 pero inilihim muna nila ito sa publiko dahil naghintay sila ng tamang oras.

Sey ni EA, “Ni-respect ko lang yung time niya. I know na ‘pag nag-propose ako baka mag ‘no’ siya sa akin. That’s the truth. Pero naniwala ako sa pagmamahal niya and alam niya na ‘pag nag propose ako sa kanya, ‘pag nag-‘yes’ siya, I’m willing to wait. Maghihintay ako sa kanya, sa right time niya. Sa gusto niyang goal namin na pupuntahan. I’ll wait for her.”

Ayon naman kay Shaira, ngayon lang niya naramdaman na talagang ready na siya to start a family at ipagsigawan kung gaano niya kamahal si EA.

“Ngayon ko lang na-feel talaga na reding-ready na akong gumawa ng pamilya in the future, makasama siya habang buhay so sobrang ready na ako. Gusto ko nang ipagsigawan sa mundo kung gaano kami nagmamahalan, kung gaano ko siya kamahal,” sabi ng Kapuso actress.

Sa kani-kanilang Instagram account ay ibinahagi rin nila ang video at larawan ng proposal ni EA.

Caption ni Shaira, “From ‘me’ to ‘we,’ to FOREVER.”

Caption naman ni EA, “What happened on 12.25.21.”

AUTHOR PROFILE