Default Thumbnail

Dragon boat parade kasama sa pagdiriwang ng CNY

January 20, 2023 Jonjon Reyes 260 views

PASASAYAHIN ng Filipino-Chinese community ang pagdiriwang ng Chinese New Year (CNY), sa January 22, 2023 sa Chinatown at iba pang lugar sa Binondo, Maynila.

Aasahan na dadalo ang halos buong Fil-Chi community sa pagdiriwang at gaganaping dragon boat parade sa Ilog Pasig mula sa Quezon Bridge, Jones Bridge, at ang bagong tulay sa Binondo.

Ayon kay P/Maj. Philipp Ines, ng Manila Police District-Public Information Office (MPD-PIO), upang masiguro ng pamunuan ng MPD ang seguridad ng Chinese New Year, magsasagawa sila ng mobile force na pangungunahan ni P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon, habang nakaantabay ang mga tauhan ni P/Col. Julius Añonuevo, hepe ng District Mobile Force Batallon (DMFB), sa paligid ng Binondo para mag-occular inspection at paghahanda sa nasabing pagdiriwang.

Bukod kay Dizon, kasama sa pag-iikot ang kanyang mga tauhan kabilang ang grupo ng bikers at duty personnel ng Binondo Police Station (PS) 11, maging ang PCPs (Police Community Precincts) at outposts na sumasakop sa nasabing pagdiriwang.

Ayon kay Dizon, ang mandatory ngayon na kanilang ipinapatupad sa mga magtutungo sa Chinatown District ay ang pagsusuot ng face mask.

Dagdag pa ng tinaguriang “The Game Changer” na walang gun at liquor ban na ipapatupad ngayong Chinese New Year 2023.

“Wala namang gun ban at liquor ban, puwede po sila makipagsaya dito (sa Binondo),” pahayag ng heneral.

Pagdating naman aniya sa mga pagpapaputok ng mga fireworks na naging kaugalian sa Binondo, tanging ang Manila Chinatown Development Council lamang ang mangangasiwa sa pamumuno ni Chairman Jeff Lau.

Dagdag pa ng MPD chief, inaasahan na libo ang dadagsa sa Binondo dahil sa inihandang food festival, fireworks display, dragon boat competition, solidarity parade, at cultural show na inihanda hindi lamang ng mga Filipino-Chinese kundi pati ang mga negosyanteng Chinese.

Nabatid pa sa report, na magdagdag ng MPD na tinatayang nasa 3,200 pulis na ipapakalat sa buong Binondo para sa pagbabantay sa seguridad ng publiko.

AUTHOR PROFILE