Default Thumbnail

Doctrine of Command Responsibility sa OTS-NAIA

September 27, 2023 Allan L. Encarnacion 172 views

Allan EncarnacionMALAKING isyu ngayon ang ipinakitang “angas” ng Pilipinas laban sa China sa pamamagitan ng “cutting the Gordian knot” sa Bajo de Masinloc na nilagyan ng mga Tsino ng 300 meters floater-water boundary para daw hindi makapangisda ang mga Pinoy.

Ayon sa mga international observer, “it was a bold move” mula sa ating pamahalaan.

Nang mabasa natin ang balita ukol dito sa South China Morning Post, may sarili ring pahayag ang ibang Chinese: Hu Bo, director of Beijing-based think tank the SCS Strategic Situation Probing Initiative and the Centre for Maritime Strategy Studies at Peking University, said the barrier might have been a “temporary measure” to stop Filipinos from fishing in the area.

Wow, hindi lang ito bold statement, this was a naked thought from Director Hu Bo!

Ibang klase ka bata, pinagbabawalan mo kaming mangisda sa sarili naming katubigan.

***

Pinagresign ni Speaker Martin Romualdez ang hepe ng Office of Transportation Security sa NAIA dahil sa serye ng nakawan sa bagahe at wallet ng mga pasahero sa paliparan.

Totoo rin naman na walang direktang kasalanan si chief dito pero may tinatawag tayong doctrine of command responsibility hepe!

Ang nakakalungkot kasi rito hepe, hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo bagkus ay serye na ang mga pangyayaring nakawan na naglalagay sa kahihihayan sa ating bansa.

Ang hirap din kasi na naghuhulaan tayo kung ano na namang eskandalo ang mangyayari sa OTS sa mga susunod na araw.

***

Pagkakataon na nating salain ang mga barangay officials sa paparating na eleksiyon.

Kapag nagsuma-suma tayo kung bakit ang sama ng peace and order natin, kung bakit matindi ang problema sa drugs, krimen at basura, makikita mong ang mga inutil na barangay ang dahilan.

Ang barangay ang smallest republic at sila ang first responders sa lahat ng problema sa komunidad pero sa mahabang panahon, sablay ang karamihan sa kanila.

Panahon na para hatawin ng mamamayan ang mga walang silbing barangay.

Sipain nyo na ang mga opisyal nyo sa barangay na pasaway at pabigat lang sa lipunan.

[email protected]