Magi

Magandang balita ang pasya ng Pangulo sa pasukan ng klase

May 25, 2024 Magi Gunigundo 278 views

MAGANDANG balita ang pasya ng Pangulo na dahan-dahang ibalik ang akademikong taon ng pampublikong paaralan sa Hunyo alinsunod sa RA 11480 upang ang buntot ng akademikong taon ay hindi na sasagasa sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo na panahon ng matinding init sa loob ng mga silid paaralan na kulang sa bentilasyon.Tamang hakbang itona dapat pasalamatan at ikatuwa ng mga guro , magulang at estudyante.

Samakatuwid, para sa akademikong taon ng 2024-25, mag-uumpisa ito sa Huly 29, 2024 at ang end-of-school-year (EOSY) ay sa Abril 15,2025.

Hindi puedeng biglain na Hunyo agad ang pasukan dahil ang EOSY ng kasalukuyang akademikong taon ay magtatapos pa lang sa Hunyo 14,2024 (Dep Ed Order 022 Series of 2023).

Bagamat anim na linggo lang ang lalabas na bakasyon sa taong ito, mababalik sa dalawang buwan ang bakasyon sa klase ng mga bata sa 2025.

​Ang sigalot sa pasukan ay nagsimula noon 2020 ng napilitang iusog sa Oktubre 5, 2020 ang pasukan sa mga pampublikong paaralan dahil sa Covid 19 pandemic. At sa sumunod na dalawang akademikong taon, hindi ramdam ng mga guro, magulang at estudyante ang init sa loob ng silid paaralan dahil sa Online Delivery of Learning.

Subalit, nang naglaho na ang virus, at nagbalikan na sa silid paaralan ang mga bata para sa kanilang “face- to- face classes”, napaso na ng masamang epekto ng pagbabago ng iskedyul ng akademikong taon ang mgabata,guro at magulang.

​Bago pa magpandemic, matagal na ang pagtatalo saiskedyul ng akademikong taon.

Dapat daw Setyembre ang pasukan na kaparehas sa Estados Unidos, at para makaiwas ang mga bata sa baha at bagyo na may hatid na perwisyo at peligrosa kalusugan. Kawawa daw ang mga bata, na kadalasan ay anak ng mayayaman, na nais mag-aral sa ibang bansa dahil magkaibaang akademikong taon ng Pilipinas at Amerika.

Isa ako sa tutol sa panukala na Setyembre ang umpisa ng pasukan.

Ang mga Amerikano ay minumutya ang kanilang“summer” mula Hunyo hanggang Agosto. Panahon ng taglagaso autumn ang umpisa ng klase at hindi nila iniinda ang lamig ng niyebe. Dahil sa climate change, ang Pilipinas ay dumaranas ng 20 bagyo kada taon na kadalasan ay sumasalpok sa bansa samga buwan ng Hunyo hanggang Disyembre.

Hindi bawat araway may bagyo at nakakalat ito sa pitong buwan ng isang taon sabuong kapuluan. Hindi ito tulad ng tag-init na araw -araw at gabi- gabi ay maalinsangan at nakakabanas ang init, at ang heat index ay pumapalo ng 43 degrees Celsius.

Kung tutuusin, hindi naman dapat naging problema ang init sa loob ng silid paaralan kung naging wasto ang prayoridad ng mga halal ng bayan.

Sa laki ng pondo sa imprastraktura ng mga kongresista (balita ko P1B kada kongresista) sa bawat distrito, kayang ipa-aircon ang mga silid paaralan.

Hindi tataas ang konsumo ng kuryente kung kakabitan din ng solar panels ang mga paaralan na pagkukunan ng kuryente ng mga aircon.

Imbes na dito nilaan ang pondo, may mga kongresistang kapartido ng nakaraang administrasyon na tapos sa Asiong Aksaya Academy, na inubos ang pondo sa pagpapa-wooden flooring ng basketball court na dating mga multi-purpose covered courts na pinagawa ng mga sinundan nilang kongresista.

Naglulundagan sa tuwa ang mga makasariling bansot na adik sa basketball, at wala silang pakialam sa pangangailangan ng pondo ng mga paaralan at ospital upang umigi ang serbisyong papakinabangan ng kanilang mga anak, apo at pamayanan.

​Ang pagbabalik ng akademikong taon sa iskedyul nasinusunod bago magpandemic ay isa lang sa maraming problema na hinaharap ng DepEd para maging dekalidad ang uri ng edukasyon ng mga batang Pilipino.

Ngunit ang hakbang na ito na binasbasan ng Pangulo ay patungo sa tamang direksyon, at hindi ito dapat maliitin sapagkat malaki ang epekto nito sa edukasyon at kalusugan ng mga estudyante.

AUTHOR PROFILE