Crime

Doctor, 62, ninakawan, pinatay sa loob ng bahay

January 17, 2023 Jonjon Reyes 525 views

ISANG 62-anyos na doktor ang pinaslang matapos pagnakawan sa loob ng kanyang bahay sa Sta Ana Manila ng di pa kilalang salarin, Lunes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si si Nathaniel Alunan, ng Kasarinlan Street, Bgy. 875, Sta Ana.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation para sa pagkakakilanlan sa suspek. Dalawang testigo ang nagbigay na ng salaysay sa pulisya.

Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 6:45 p.m. nang madiskubreng patay ang biktima sa loob kanyang bahay.

Sa imbestigasyon ni Det. Charles Benzon Dela Torre, may hawak ng kaso, nawawala umano ang IPhone 12 Pro ng biktima na nagkakahalaga ng P52,000 at di pa malamang halaga ng pera.

Bukod pa sa hindi pa malaman na halaga ng pera ang nawawala sa biktima.

Nauna rito, nadiskubre ng mga tauhan ng Punta Police Community Precinct at mga barangay tanod sa Brgy.875 na nakahandusay na biktima kaya agad nilang kinordon ang lugar bago itinawag sa tangapan ni Captain Turla.

Ayon din sa salaysay ng isang Michelle Calugcugan, 3, dalaga, caregiver ng Unit 20 -0 Legaspi Tower sa Roxas Boulevard sa Malate ,na diumano’y huling nakitang buhay si Alunan noong Enero 14.

AUTHOR PROFILE