Cathy

Direk Cathy nagsalita sa pagkaka-link ni Kathryn kay Alden

April 12, 2024 Vinia Vivar 72 views

Itinanggi ni Direk Cathy Garcia-Sampana ang lumalabas na balitang hinarang o pinigilan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo na gawin ang sequel ng Hello, Love, Goodbye with Alden Richards.

“Hindi naman si Daniel. Hindi naman kayang hadlangan ni Daniel ang gano’ng kalaking proyekto,” pahayag ni Direk Cathy sa isang media interview.

Dagdag pa niya, “Saka si Kathryn naman ay may sariling isip. So, ‘pag gusto niya, gusto niya.”

As we all know ay si Direk Cathy ang direktor ng 2019 blockbuster film na Hello, Love, Goodbye kaya naurirat din siya kung totoo ba ang usap-usapang gagawin na nila ang sequel nito.

“Wala pang confirmation. Lahat kami ay umaasa pa lang na sana nga, ‘no? Kung ang ibang tao ay gusto, kami rin,” she said.

“Matagal na ring pinag-iisipan ang part 2 kaya lang, maraming nangyari. Nagka-pandemya, maraming nangyari na hindi lang talaga natuloy. Hopefully, ‘no, with God’s permission, matuloy rin siya finally,” sey ng blockbuster director.

Tungkol naman sa balitang nagkakamabutihan na sina Alden and Kathryn, tila nagulat pa si direk.

“Huh! Ang bilis-bilis! Hindi po ibig sabihin na nagkasama ay nagliligawan na po,” aniya.

“Pwede naman pong pure friendship, pwede rin namang simula of something pero wala po tayong alam do’n, so let’s not judge and assume,” she said.

Kung siya ang masusunod ay gusto muna niyang magpahinga ang puso ni Kathryn.

“Gusto kong magpahinga muna ang puso ni Kathryn para mas open ‘pag tumanggap ng bago kahit sino man ‘yon,” she said.

AUTHOR PROFILE