Alden

Alden bisita sa blessing ng bagong bahay ni Kathryn

April 12, 2024 Jun Nardo 75 views

SUNUD-SUNOD ang sightings kay Alden Richards na present sa special events sa buhay ni Kathryn Bernardo.

Una, noong birthday ni Kathryn na ginawa sa Palawan, present si Alden.

Next sighting sa kanya, eh, nu’ng post birthday celebration ng aktres na ibinigay ng glam team ng una.

May bigay pang bouquet of flowers si Alden, may yapusan at may same black ring pa, huh!

Ang latest? Aba, present si Alden sa blessing ng bagong bahay ni Kathryn last Wednesday, according to reports.

Ayon sa balita, August 2024 pa ang pagsasama nina Kath at Alden sa movie kung matutuloy ang sequel ng movie nilang Hello, Love, Goodbye, huh!

LAPITIN NG KONTROBERSIYA

NILINAW ng businessman-turned-artist manager na si Wilbert Tolentino na never siyang kumuha maski singko para sa komisyon niya sa artists na minanage niya gaya ni Herlene Budol.

Malaki ang naging papel ni Wilbert upang mabigyan ng break si Herlene sa showbiz.

Ngayon nga, eh, Sparkle artist na siya pero adviser pa rin si Wilbert at namamahala sa social media accounts ni Herlene.

Pero tuloy pa rin ang advocacy ni Wilbert sa pagtulong. May paparating siyang fundraising at maglalabas ng novelty single ng kanta na Kain Na na dapat sana ay para kay Herlene kaugnay ng naglabasang viral convo umano nila ng isang aktor.

Abangan ang interview ng Marites University kay Wilbert para malaman kung bakit lapitin siya ng kontrobersiya, huh!

AUTHOR PROFILE