Pokwang

POKWANG NAGHAHABOL NG SUSTENTO SA NA-DEPORT NA EX-PARTNER

April 12, 2024 Vinia Vivar 90 views

Nagbubunyi ngayon si Pokwang sa balitang na-deport na ang dating partner niya na si Lee O’Brian.

Inanunsyo ng Beureau of Immigration na nakaalis na ng bansa ang Amerikanong aktor last Monday, April 8, patungong San Francisco, California.

Kaugnay ito ng pagkakapanalo ni Pokwang sa deportation case na inihain niya sa dating partner noong June, 2023.

“It’s a big, big relief,” ani Pokwang sa panayam sa 24 Oras.

“Mayroon naman kasi tayong batas na sinusunod. Siyempre, nagkaroon tayo ng paglabag sa batas, so kailangan nating sundin,” sey pa ni Pokwang.

Pero kahit nasa Amerika na si Lee ay tuloy pa rin ang paghingi ni Pokwang ng child support dito para sa anak nilang si Malia.

“Kailangan ‘yon bilang magulang, kailangan natin na… well, hindi naman ginusto ng bata na isilang siya, ‘di ba? May responsibilidad po tayo sa mga anak natin lalo sa ganyang edad, siyempre, ‘di ba?

“And bilang ama, responsibilidad din po niya ‘yun. Karapatan ng bata ‘yun,” saad ng komedyana.

Pero hindi naman niya ipagdadamot si Malia kay Lee.

“Siyempre, siya pa rin ang tatay. Hindi ko naman po ipagdadamot lalung-lalo na kung mag-i-effort talaga siya. Hindi ko naman ipagdadamot,” diin Pokwang.

AUTHOR PROFILE