Beadom

Balikang Bea-Dominic dinenay ng malalapit sa kampo ng aktres

April 12, 2024 Vinia Vivar 113 views

Nagdulot ng matinding kilig sa fans nila ni Bea Alonzo ang recent post ni Dominic Roque sa kanyang Instagram ng random photos.

Nagbahagi si Dom ng 10 photos na may caption na “Ran-dom photos…”

Makikita rito ang mga larawan ng ilang lugar sa ibang bansa na kanyang pinuntahan. Mayroon ding photo ng apat na luggages.

Pero sa pinakahuling larawan ay makikita ang isang white puppy na ikinakilig ng BeaDom fans.

Nakilala kasi nila na ito ang aso ni Bea na si Walter.

Kaya naman super-happy ang BeaDom fans at hinala nila, totoong nagkabalikan na ang kanilang idolo.

Narito ang ilan sa kanilang comments:

“Hmmmm that Dog of @beaalonzo… The last photo is it.”

“Dahil s post mo dom sumigla nnman mga beadom.”

“Ayeeehhhh so happpy beadom forever.”

“Si walter ang nagdala di ba @beaalonzo.”

“Masaya na kami kahit wala masyado update sa inyo dalawa khit private na lng basta pag ginulat niyo kami ikakasal na kyo dalawa. @beaalonzo @dominicroque ewan ko ba kung bakit mahal na mahal ko kayo dalawa kahit ano pa nega ang sbhn nila sa inyo wala kami pakels!”

Hindi pa rito natapos ang kilig dahil sa isang video ni Dom na ipinost ng isang netizen sa Facebook, nahagip ng camera ang cellphone ng dating aktor at napansin ng marami na ang wallpaper pa rin nito ay si Bea and her dog, Walter.

Caption ng nag-post, “Nakikita nyu bang Nakikita ko?“SINO ANG NAKALAGAY SA WALLPAPER NI Dominic Roque?”

Kaya naman lalong tumibay ang hinala ng marami na totoo nga ang tsikang nagkabalikan na sila kahit pa ang ilang malalapit sa kampo ng aktres ay matigas ang pagdedenay na nagkaayos na nga ang ex-couple.

Siyempre, we have yet to hear Bea and Dom’s confirmation or announcement tungkol dito.

AUTHOR PROFILE