Denjen

Administrator ng pekeng FB page ng anak nina Dennis at Jennylyn kakasuhan

April 12, 2024 Vinia Vivar 72 views

Nagbigay ng babala si Jennylyn Mercado at ang kanyang management team na Aguila Entertainment sa mga namamahala ng Facebook page ni Dylan, ang anak ng aktres at ni Dennis Trillo.

Sa Facebook post ni Jen, tinawag niya ang pansin ng gumawa ng FB page ni Dylan,

“Sa sinumang namamahala ng Dylan Jayde Ho account, please get in touch with my management team Aguila Entertainment para we can resolve this ng maayos po…,” Jen wrote.

Kinondena ng aktres ang ganitong gawain na tila balak pang pagkakitaan ng page creator ang kanyang anak.

“Mali naman po ‘ata na in-assume n’yo basta-basta ang identity ng anak ko at nagawa n’yo pang i-verify ‘yung page. May subscription option pa, which suggests na posibleng pinagkakakitaan n’yo pa ito… tsk, tsk. Mali po ‘yan,” saad ni Jen na halatang imbiyerna.

Nag-post din ng advisory ang Aguila Entertainment tungkol dito.

“We would like inform the public that the Facebook Page DYLAN JAYDE HO is not owned or managed by her parents Jennylyn Mercado and Dennis Trillo or their management team, Aguila Entertainment.

“As of this writing, the page has earned 64,000 followers, has an option to subscribe for exclusive content for P55.00 per month, and even has a blue check, which means its a verified page,” pahayag ng Aguila Entertainment.

Nagbabala rin ang management na magsasampa ng kaukulang aksyon tungkol dito.

“We strongly condemn this clear case of identity theft. We urge the public to report this page, while our team look into our legal options. Thank you,” the management stated.

AUTHOR PROFILE