Dantes

Dingdong, bukas ang pinto sa pagsabak sa pulitika

April 22, 2023 Vinia Vivar 257 views

Bilang mga superstar na malaki ang kinikita, paano nga ba hina-handle ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera ang kanilang finances? Sino ang humahawak ng pera nila at sino rin ang gumagastos sa bahay?

Ito ang napag-usapan ni Dingdong at ng King of Talk na si Boy Abunda nang mag-guest ang aktor sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes.

Ayon kay Dingdong ay may kanya-kanya silang role in handling their finances.

“Someone is busy with siguro, planning, kung saan siya (money) ilalagay at paano. Somebody is busy in administrative. So, may kanya-kanya kaming roles,” he said.

Tanong ni Kuya Boy, “Ang pera ba ng isa ay pera rin ng isa?”

Sey ni Dong, “Mayroon ding kanya-kanya, siyempre mayroon ding for together.”

Pagdating naman sa pangangalaga ng finances ng kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto na parehong kumikita na rin because of their endorsements, ayon kay Dingdong, mayroon silang sistema rito.

“We have a system for that, na in the future, ‘eto ‘yung sistemang pinaniniwalaan namin na very, very beneficial for them,” sey ni Dong.

Asked kung trust fund ba ito, hindi masabi ng aktor at basta’t may sistema raw sila.

Napag-usapan din nila ang pulitika dahil lagi raw may balitang tatakbo si Dong sa eleksyon pero hindi naman natutuloy.

Natanong ang aktor kung may plano ba talaga itong pasukin ang nasabing mundo.

Aminado si Dong na may panahong naiisip niya na mas marami siyang magagawa para sa bansa at sa ating mga kababayan. Pero alam niya na hindi madali na maging public servant.

“It will require much of your time, much of your energy, much of your love, your passion, of yourself, it takes much sacrifice para ma-achieve ‘yan.

“Pero isang bagay na malinaw sa akin ngayon that I have multiple roles to fulfill literally and figuratively. Because I wanna be the best father for my children, I wanna be the best husband to Marian, a good son, a responsible member of this beautiful industry while striving to be a good citizen of this country each and every day.

“And I think, lahat naman po tayo, may kanya-kanya tayong papel na kailangang gampanan dito sa lipunan para mapaganda ito at mapabuti.

So, ako naman, ang parte ko riyan is that I remain committed to doing my part in whatever way I can,” ang mahabang paliwanag ni Dingdong.

Pero hindi raw niya masabing sarado ang kanyang pintuan sa pulitika.

“It’s not for me to say, but the circumstance,” aniya.

CELEBRITY VOLLEYBALL

Hindi lang galing sa pag-arte at pagpapasaya ang kayang ipakita ng ilan sa hottest Kapuso artists kundi maging ang husay nila sa loob ng volleyball court.

Isang exciting na bakbakan ang dapat abangan ng Kapuso fans sa GMA NCAA All-Star Volleyball Games ngayong Linggo (April 23) sa FilOil EcoOil Arena.

Abangan sina Shaira Diaz, Cassy Legaspi, Angela Alarcon, Lyra Micolob, Carlo San Juan, Prince Clemente, Kristoffer Martin at Bruce Roeland kasama ang ilan sa mga hinahangaang volleyball player mula NCAA.

Hindi ito dapat palagpasin dahil dito niyo lang makikitang mag-spike, serve, block at marami pang iba ang paborito niyong Kapuso artists.

Mapapanood ang GMA NCAA All-Star Volleyball Games sa GTV, 12 noon.

AUTHOR PROFILE