Dingdong

Dingdong at Marian gustong matapos muna ng pag-aaral ang mga anak

April 23, 2023 Aster Amoyo 383 views

BloodHINDI ikinakaila ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na pareho umano silang in a relationship noon sa ibang partner ng Primetime Queen na si Marian Rivera nang sila’y magtambal sa GMA adaptation ng sikat na Mexican telenovela na “Marimar” in 2007.

Doon sila unang nagkalapit and as fate would have it, sina Dingdong at Marian ang nagkatuluyan at meron na silang dalawang anak na sina Zia at Ziggy na ngayon pa lamang ay kinakikitaan na ng hilig sa showbiz.

Ayon sa TV host, actor at entrepreneur, papayagan lamang umano niya ang kanyang mga anak mag-showbiz kapag tapos sila ng pag-aaral. Gusto ni Dingdong at Marian na i-prioritize ng mga bata ang kanilang studies.

Si Dingdong ang busiest host at actor sa bakuran ng GMA. Ini-enjoy niya ang paghu-host ng kanyang daily afternoon game show, ang local adaptation ng American game show na “Family Feud” at meron siyang upcoming hosting job (also on GMA), ang local franchise ng “The Voice Generations” na tatampukan ng duo or group of various generations na may ugnayan sa isa’t isa mula edad 7 pataas.

Nagsimula na ring mag-taping si Dingdong para sa pinakabago nitong serye, ang “Blood Royal,” isang action-family drama na pinamamahalaan ni Dominic Zapata.

Dingdong plays the role of Napoy, isang motorcycle rider, single father at mapagmaha lna ama na humaharap sa maraming pagsubok para lamangmaitaguyod ang kanyang daughter. Award-winning actor Tirso Cruz III plays his dad as Gustavod Royales, ang mayaman but shrewd business tycoon and patriarch sa Royales family.

Kasama sa powerhouse cast ng “Blood Royal” sina Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, Rhian Ramos, Rabiya Mateo, Benjie Paras at Arthur Solinap at iba pa.

Krisrel may babalikan sa Korea

KristelKristel1VERY memorable sa dating “Goin’ Bulilit” kiddie gag show graduate-turned serious actress and vlogger na si Kristel Fulgar ang kanyang pananatili sa South Korea sa loob ng anim na buwan kung saan siya nag-aral ng Korean language sa Sogang University, her guesting sa isang TV show roon, ang kanyang paglagda ng kontrata sa Five Stones Entertainment in South Korea maging ang kanyang pagiging brand ambassador ng Julyme ng isang kilalang fragrance company na ang mga produkto ay may kinalaman sa perfumed hair care and body care.

Bukod sa mga ito, maraming natutunan ang actress-vlogger at kasama na rito ang kanyang pagiging independent sa maraming bagay.

In South Korea, natuto siyang mag-tren mag-isa, mag-grocery for herself, magluto, maglinis, do the laundry at iba pang gawaing bahay. It was also more of a self-discovery dahil marami siyang natutunan. She also met new friends at kasama na rito ang kanyang close friend and rumored boyfriend na si Yohan Kim.

Malungkot na masaya ang pag-alis ni Kristel ng Korea dahil marami umano siyang happy memories and discoveries doon.

Since meron naman siyang management agency in South Korea, malamang na magpabalik-balik ng Maynila at Korea ang 28-year-old actress at social media influencer lalupa’t may iniwan siyang special friend (or friends) doon.

BTS members isa-isa nang gumagawa ng solo albums

BTSBTS1KAHIT intact pa rin ang K-Pop boyband na BTS which stands for Bangtan Sonyeondanna ang ibig sabihin in English ay Bullet Proof Boy Scout ay isa-isang nagre-record ng kanilang solo album ang mga miyembro.Ang pinakabago ay si Suga na nag-release kamakailan lamang ng kanyang unang solo album na pinamagatang “D-Day” with ten cuts.

Ang record-breaking K-Pop all-male group ay binubuo nina Jin (vocalist), Suga (rapper), J-Hope (rapper), RM (rapper at leader ng grupo), Jimin (vocalist), V (vocalist) at Jungkook (vocalist). Sila ang grupo na hindi lamang popular sa kanilang bansa, ang South Korea kundi nakapag-cross over sila sa iba’t ibang bansa including the Philippines at Amerika where they also have a huge following.

Sila lamang ang tanging K-Pop boyband na pinapayagan ang mga miyembro na mag-record ng solo albums.

Second album ni Belle malapit nang ilabas

BelleBelle1TIYAK na matutuwa ang fans ng Kapamilya young star, ang singer-actress na si Belle Mariano maging ang supporters ng tambala nila ni Donny Pangilinan, ang DonBelle dahil malapit nang ilabas ang second album nito bilang follow-up sa kanyang unang album na “Daylight” which was released in December 2021.

Tulad nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Nash Aguas at marami pang iba, si Belle ay graduate din ng now-defunct long-running kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” who transformed into a beautiful young star.

Last November 2022 ay tinanggap ni Belle ang parangal na Breakthrough Artist of the Year at Favorite Song of the Year for the song “Sigurado” mula sa 35thAliw Awards.

Enrique sinayang ang tatlong taon

EnriqueEnrique1IT was in 2020 huling napanood ang real and reel loveteam na LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil sa hindi natapos na serye ng ABS-CBN, ang “Make It With You” dahil sa pandemic at pagkawala ng prangkisa ng Kapamilya network. Magmula noon ay hindi na nakitang muli ang dalawa in a TV series o kahit sa pelikula hanggang mag-desisyon na kumawala si Liza sa kanyang management kina Ogie Diaz at Star Magic and decided to movie to James Reid’s Careless Music company.

Marami ang nagtaka kung bakit hindi na muling ipinagpatuloy ni Enrique ang kanyang career kahit buwag na ang tambalan nila ni Liza. He could have proven himself na kaya niyang tumayo on his own without banking on their loveteam.

Tatlong taon na rin ang sinayang ng young actor-dancer magmula nang huli silang mapanood sa telebisyon via “Make It with You”.

Bilang actor, kaya naman niyang ipareha sa iba’t ibang leading ladies but he opted not to.

Malungkot siyempre ang kanilang fans ni Liza dahil parehong uncertain pa ang takbo ng kanilang respective careers ngayon.

Watch out for Dagul interview

WATCH out for my exclusive interview with actor-comedian and former politician Dagul (Romeo Pastrana) on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Subscribe, like, share and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE