Dantes

Dingdong at Marian, balik-trabaho matapos ma-Covid

January 28, 2022 Vinia Vivar 128 views

Naka-recover na nga ang pamilya Dantes mula sa COVID-19 at back to normal na ulit ang kanilang pamumuhay matapos mag-isolate for 10 days.

“Masasabi kong 95% recovered although may konting paubo-ubo pa, although ‘yung kids naman, clear na sila, bumalik na ‘yung kanilang ganang kumain, tapos si Zia balik na siya sa school,” pahayag ni Dingdong Dantes sa panayam sa 24 Oras.

Aminado naman ang misis niyang si Marian Rivera na talagang nag-panic siya para sa mga anak na sina Zia at Ziggy.

“Siyempre, nakaka-panic kasi hindi mo alam, lalo na walang bakuna ‘yung mga bata. So, tayong mga adult, ako, naka-booster na ako, so, okay ako, hindi ba?

“Pero ’pag ‘yung mga anak ko na wala pang bakuna, parang ‘sandali lang, ano ang mangyayari, anong kailangan nating gawin?’ So, super panic,” ani Marian sa panayam.

Pero totoong malaki ang naging tulong ng pagiging bakunado nila kaya naman ini-encourage nila ang lahat na magpa-vaccine na kontra-COVID-19.

“Kapag may pagkakataon talaga, eh, magpabakuna at magpa-booster kung due ka na for a booster shot. Kasi, talagang malaking tulong at dagdag-proteksyon talaga ‘yan hindi lang para sa ‘yo kundi para sa buong pamilya mo na rin, sa buong community,” sey ni Dong.

Sey naman ni Marian, “Ako, agree ako riyan, sobrang agree ako diyan kasi talagang malaking factor na may bakuna at naka-booster ka ayon sa aking experience.”

Sa ngayon back to work na nga rin ang mag-asawa.

Sey ni Dong, “Balik-Amazing Earth na ako.”

Ani Marian naman, “Ako, balik-pagdidirek na niya ‘ko. On Friday, meron na ulit akong taping ng Tadhana.”

BUMUWELTA

Marami ang mas humanga kay presidential candidate Senator Ping Lacson sa naging interview sa kaniya ni Boy Abunda dahil wala siyang ibang kandidatong “siniraan.”

May parte kasi sa interview ni Kuya Boy na “Political Fasttalk” kung saan ang katanungan ay bakit hindi dapat iboto ang mga kalabang presidential aspirants.

Kung tutuusin, pagkakataon ni Ping na siraan ang mga kalaban niya para iangat ang sarili at kumbinsihn ang mga nanonood na siya ang ibotong presidente ng bansa.

Pero sa halip na manira, natatawa lang na sinabi ni Ping na, “Kasi tumatakbo akong presidente, Boy.”

Sa bawat tanong ni Kuya Boy na binabanggit niya isa-isa ang pangalan ng ibang kandidato, iyon din ang sagot ni Lacson na naka-smile.

At nang tanungin naman siya ni Kuya Boy kung bakit siya ang dapat na iboto, ang simple pero kumpiyansang sagot niya ay: “I’m the most qualified, most competent and the most experienced.”

Samantala, sa Presidential interview ni Kuya Boy ay nagsalita si VP Leni Robredo against Sen. Lacson, “Maraming salita, pero on the ground, kulang.”

Nagbigay na ng pahayag si Ping tungkol dito.

“Hindi ako kulang ‘on the ground.’ Hindi lang talaga ako ma-epal tuwing magbibigay ng tulong sa mga kalamidad man o sa mga indibidwal na tulong.”

Hindi naman ibig sabihin ni Ping na epal ang tumulong. Ang ibig sabihin ng senador ay hindi niya gawain na magpakita, magpa-picture at magpa-video sa mga tao o lugar na tinutulungan niya.

AUTHOR PROFILE