Heart

Heart, goodbye sa OOTD

January 28, 2022 People's Tonight 188 views

GOODBYE na sa mga OOTD (outfits of the day) si Heart Evangelista. Isa ito sa mga lagi niyang inirarampa sa Kapuso series niyang I Left My Heart in Sorsogon dahil sa character niya.

Of course, sa totoong buhay, eh, tinaguriang fashionista si Heart.

Todo rampa nga siya sa nakaraang Paris Fashion Week at close siya sa ilang foreign designers, huh!

Sa pagtatapos ng series nila nina Richard Yap at Paolo Contis, papalitan ito ng First Lady nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez na sequel ng First Yaya.

Si Alice Dixson ang manggugulo sa pag-iibigan nila.

Ang isa pang magtatapos sa GMA Telebabad ay ang I Can See You: Alternate ni Dingdong Dantes.

Kapalit nito ang season 3 ng K-drama na The Penthouse.

BALIK-LIVE EPISODE

SASABAK na sa live episode ang AOS o All-Out Sundays ng Kapuso Network.

Yes, live nang mapapanood ang variety show after a long time.

Mapapanood naman sa Sunday din after Dear Uge sa Regal Studio Presents ang Me and My House Daddy na pinagbibidahan ni Sef Cadayona.

Next month, malalaman na ang bagong alert level sa Metro Manila at iba pang mga lugar. Dasal ng marami ay bumaba na ito sa Level 2, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE