Diego

Diego naayos na ang relasyon kay Cesar, may bago nang GF

August 28, 2022 Aster Amoyo 422 views

ANG 27-year-old Viva actor na si Diego Loyzaga ang tumatayong big brother sa kanyang (half) younger siblings sa kanyang amang actor na si Cesar Montano.

Bukod sa kanyang elder half-sister na si Angela, si Diego ang lumalabas na elder brother ng kanyang mga nakababatang kapatid matapos sumakabilang-buhay ang elder half-brother na si Angelo nung 2010.

Eversince ay malapit na ang young actor sa kanyang half-siblings na sina Angelina, Sam at Cheska, mga anak ni Cesar sa kanyang ex-wife na si Sunshine Cruz and it is only this year na naging malapit sila sa kanilang younger siblings na sina Coco (kay Sandra Seifert) at sina Lim, Kristen at isa pa sa present partner ng kanilang ama na si Kath Angeles.

Sa ngayon, siyam na magkakapatid sina Diego sa kanilang amang si Cesar at natutuwa siya na magkaka-close sila ngayon ng kanyang younger siblings pati na ang kanilang eldest sister na si Angela, anak ni Cesar sa kanyang yumaong asawa na si Marilyn Polintan. Nagkasama-sama sila sa 60th birthday ng kanilang ama last August 1.

Samantala, kinu-consider namang surreal ni Diego ang pagsasama nila ng kanyang amang si Cesar sa pelikulang “Maid in Malacanang” na pinamahalaan ni Darryl Yap.

Since he was a younger ay pinangarap na niyang makatrabahong muli sa isang project ang amang si Cesar.

Si Diego ay anak ni Cesar sa actress at dating international flight stewardess na si Teresa Loyzaga.

Natutuwa rin ang young actor dahil bumalik na sa dati ang kanyang relasyon sa kanyang amang si Cesar, gayundin ang kanyang half-siblings (kay Sunshine Cruz) na sina Angelina, Sam at Cheska.

He is never happier with his present relationship with his dad na minsan din niyang nakasamaan ng loob.

It was in 2011 when Diego decided to move back to the Philippines matapos silang mamirmihan ng kanyang ina and an elder (half) brother na si Joseph sa Australia.

In 2015, Diego joined ABS-CBN’s Star Magic at doon nagsimula ang kanyang showbiz career.

For sometime, Diego took a respite from showbiz and returned in 2021 which much determination na lalong pagbutihin ang kanyang trabaho bilang actor.

Diego signed-up an exclusive management contract with Viva Artists Agency in late 2020 at pagpasok ng 2021 ay naging sunud-sunod na ang kanyang mga pelikula under Viva Films which were all shows on the company’s own streaming app, ang Vivamax.

In 2021 alone ay nakagawa siya ng limang pelikula at ang mga ito ay ang “Death of a Girlfriend,” “Bekis On The Run,” “House Tour,” “More Than Blue” at “Dulo” which he co-starred with former girlfriend Barbie Imperial.

Ngayong 2022 ay may dalawang movie na siyang naipalabas, ang “The Wife” at ang box-office hit movie na “Maid In Malacanang,” his first movie during the pandemic na ipinalabas sa mga sinehan nationwide and currently doing the rounds sa iba’t ibang bansa.

Si Diego ay isa sa mga busiest actors sa bakuran ng Viva and is rumored to be in a new relationship with ex-PBB housemate na si Franki Russell.

IzaIza1

Sabay na pagbubuntis nina Iza at Bianca parang sinadya

PARANG sinadya na ang sisters-in-law na sina Iza Calzado at Bianca King ay parehong buntis ngayon sa kanilang first babies courtesy of their respective husbands, ang British brothers na sina Ben at Ralph Wintle.

Nauna ang relasyon nina Ina at Ben na ikinasal nung December 19, 2018 sa isang intimate beach wedding in Coron, Palawan.

Sa kanilang living room in Sydney, Australia naman ikinasal sina Bianca at Ralph nung June 4, 2021.

Natutuwa naman ang magkapatid na Ben at Ralph dahil halos sabay silang magiging ama.

It was in March 2021 nang talikuran ni Bianca ang kanyang showbiz career sa Pilipinas to settle in Sydney, Australia with her husband Ralph at sa kanilang magiging unang supling.

The former Kapuso actress is chronicling her journey sa pagbubuntis sa kanilang magiging unang baby ni Ralph.

Sam napagsama ang estranged parents sa debut party

WALANG pagsidlan ng kaligayahan ang second daughter ng dating celebrity couple na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Samantha `Sam’ Cruz (Manhilot) when she celebrated her 18th birthday recently dahil napagsama niya sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang estranged parents.

Bukod sa iba pa niyang mga kapatid, naroon din ang respective present partners ng kanyang mga magulang na sina Macky Mathay at Kath Angeles.

Kung close si Sam at iba pa niyang sisters na sina Angelina at Cheska sa kanilang Tito Macky (present boyfriend ni Sunshine), gayundin sila ngayon sa kanyang Tita Kath na siyang present partner ng kanilang dad na si Cesar.

Para kay Sam, ito bale ang kanyang happiest birthday ever dahil muli niyang napagsama in one photo frame ang kanyang estranged parents na sina Cesar at Sunshine along with her other sisters. Naroon din ang kanilang Big Brother na si Diego Loyzaga.

Tulad ng kanyang celebrity parents, sister na si Angelina at brother na si Diego, pumasok na rin sa showbiz ang singer-actress na si Sam.

Francine at Seth sanay na bilang loveteam

KASALUKUYANG ginagawa ng tambalang FranSeth nina Francine Diaz (18) at Seth Fedelin (20) ang kanilang first movie bilang magka-loveteam, ang “Dirty Linen” kung saan din mga tampok na bituin sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo kasama ang powerhouse cast na sina Tessie Tomas, John Arcilla, Joel Torre, Christian Bables, Epy Quizon, Rubi-Rubi, Nanding Josef, JC Santos, Aubrey Miles, Xyriel Manabat (her comeback project bilang isang teenager), Raven Rigor, Ana Abad Santos at iba pa. Ito’y magkatulong na pinamamahalaan nina Andoy Ranay at Onat Diaz under Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.

Pero bago ang kanilang first TV series bilang magkatambal, sina Francine at Seth ay unang lumabas sa isang music video na “Muli” ng singer na si Ace Banzuelo.

Hindi ikinakaila ng ex-PBB housemate-turned actor na si Seth na nung simula ay awkward umano siya sa bagong tambalan nila ni Francine pero ngayon ay kumportable na sila. Dalawang beses na silang nagkasama sa “Kadenang Ginto” at “Huwag Mangamba” kung saan magkaiba pa ang kanilang respective partners – sina Andrea Brillantes (kay Seth) at si Kyle Echarri (kay Francine).

In full swing ang taping ngayon ng “Dirty Linen” na isa rin sa dapat abangan ng mga televiewers.

Liza now in Hollywood, goodbye Enrique?

UNTI-UNTI nang natutupad ng 24-year-old Fil-American actress na si Liza Soberano ang kanyang Hollywood dream.

Liza is debuting in her first Hollywood film project in “Liza Frankenstein” where she is sharing stellar billing with Kathryn Newton, Cole Sprouse, Carla Gugino, Joe Chrest and Henry Eikenberry. The movie is being directed by Zelda Williams mula sa script ni Diablo Cody.

Tulad ng ibang cast in the movie, Liza also auditioned for her role as a high school cheerleader sa pelikula.

Ngayong napasok na ni Liza ang Hollywood, would this mean kaya na tuluyan na niyang tatalikuran ang kanyang showbiz career sa Pilipinas at tapos na rin ang loveteam nila ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil?

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE