Angelica

Angelica, balik-Maynila para sa panganganak

August 28, 2022 Ian F. Fariñas 400 views

SA susunod na buwan ay titigil muna sa Maynila ang buntis na si Angelica Panganiban hanggang sa makapanganak sa panganay nila ng Subic-based partner na si Gregg Homan.

Ito ang ibinalita ng aktres sa bagong YouTube vlog na pinamagatan nilang “Nursery Room Tour.”

Sa description ay sinabi ng couple na, “Welcome to our little ones nursery. We’re so grateful for the peaceful space we have created and we hope you enjoy watching as we tour you around.”

Pagkapanganak sa baby girl ay babalik agad ang mag-anak sa Subic kung saan na sila permanenteng naninirahan.

Sa paglilibot sa nursery, makikitang kumpleto na ang mga gamit ng baby at handang-handa na nga sina Angelica at Gregg sa pag-welcome sa kanilang little bundle of joy.

Kwento ni Angelica, karamihan sa mga gamit ng baby nila ay regalo ng mga kaibigang gaya nina Judy Ann Santos, Camille Prats, Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio, Alyssa Valdez at kapatid niyang based sa San Francisco, USA.

May naiwan pa raw silang ilang kahon ng damit sa Amerika na paparating na ng ’Pinas anytime dahil hindi siya nakinig sa payo ng karamihan na ’wag nang masyadong mamili dahil marami namang magreregalo nito.

Very organized ang nursery ng baby nina Angelica at Gregg. Nakahiwalay ang mga damit na pwede niyang gamitin sa mga unang buwan hanggang sa ilang taon.

May drawer din ng mga regalong sapatos na pulos mamahalin.

Ready na rin ang breastfeeding corner ng aktres at ang changing station na napapaligiran ng mga essential gaya ng alcohol, wipes at iba pa.

Ang crib na gawa sa sulihiya ay pinasadya pa ng mag-partner mula sa isang Cebu shop na nakita nila sa Instagram.

“Talagang nag-Instagram shopping ako para sa nursery,” banggit ni Angelica.

Anyway, bago tumulak ng Maynila ay kailangan pa raw nilang mag-one last linis sa kwarto para pagbalik nila sa Subic ay malinis at ready na ang nursery para sa paparating nilang anghel.

AUTHOR PROFILE